Ilang sandali pa ay dumating na ang mga pagkain namin at nagsimula na nga kaming kumain. Hindi na umalis sa tabi ni lola si Llander at hindi matapos-tapos ang mga kuwento niya. Parang ako na nga ang napapagod sa walang humpay niyang pagsasalita. Mukhang iyang kadaldalan lang yata ang namana niya sa akin. kasi mula sa mga mata, ilong, bibig pati mga paggalaw ay nakuha niya lahat sa daddy niya. Napapikit ako at saka umiling para burahin ang alaala niya sa isip ko. Hindi ko na siya dapat pang iniisip. Pag-uwi namin ay may iniabot sa aking maroon na invitation card si lola. “Ano po ito, ‘la?” takang tanong ko, habang nakatingin sa hawak kong card saka muling bumaling sa kaniya. “That is the invitation for charity auction on Sunday at Peninsula hotel. Ang mommy mo sana ang pakikiusapan kong

