Kristine’s POV “What? Sinabi mo kay Sander ang tungkol kina Coleen at Axel? My God Charles! What the hell were you thinking?!” hindi ko maiwasang hindi masigawan ang asawa ko na ngayon ay parang takot na takot at nagsusumamo habang nakatingin sa akin. “Baby, please. Let me explain, okay?” pakiusap niya. Pero mabilis akong umiling at galit siyang tiningnan. “Hindi lingid sa iyo ang mga ginawa ni Sander kay Coleen! So anong dahilan at sinabi mo sa kaniyang hindi siya totoong kasal kay Axel?” galit pa ring tanong ko. Kanina pa niya ako gustong lapitan at hawakan pero hindi ako pumayag. Kalaunan, napahinuhod din niya ako para mapakinggan ang panig niya. “Sander explained everything to me, at naiintindihan ko siya!” depensa nito agad, kaya lalong sumama ang tingin ko sa kaniya. Napalunok na

