Coleen’s POV Madilim pa nang magising ako. Pero hindi ako makagalaw dahil may braso at binting nakadagan sa katawan at mga hita ko. Bigla akong naiyak nang magbalik sa akin ang lahat ng mga nangyari. Naging mahina na naman ako at nagpadala sa pang-aakit ni Sander. Bakit sa kabila ng sakit na idinulot niya sa akin ay ganoon pa rin niya ako kadaling napapasunod? Ganito na ba talaga ako katanga? Marahas kong inalis ang kamay at braso niyang nakadagan sa katawan ko at saka bumangon. Pero napangiwi ako nang maramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. Pero bago pa ako makababa nang kama ay pumulupot ang isang braso niya sa baywang ko at kinabig niya ako palapit sa kaniya. Muli tuloy akong napatihaya at lalong napuno ng inis ang dibdib ko. “Bitiwan mo ako, Sander, binabalaan kita!” galit n

