Pagdating sa bahay ni Sander ay alam na agad ni Leahbel ang kuwartong tutuluyan niya. Ako naman ay dumiretso sa kuwarto ko, at hindi ko na hinintay pa kung saang kuwarto dadalhin ni Sander si Kiara. Tahimik lang kaming lahat sa buong biyahe kanina. Sinubukan ni Kiara na kausapin si Sander, pero pumikit lang ito at isinandal ang ulo sa upuan ng sasakyan. Humalukipkip sa sama ng loob si Kiara pero wala siyang nagawa. Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay sumampa na ako sa kama at tinakpan ng comforter ang kalahati ng katawan ko habang yakap ko ang isang unan. Isang dinner lang iyon pero ang dami-dami nang nangyari. Nagulat pa ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bedside table at tiningnan kung sino’ng tumatawag. Kristine calling… Napangiti ako nang makita ang rum

