Pinili ko na lang tumahimik hanggang matapos kami sa pagluluto at maihain na mga niluto sa mesa. Ako na rin ang naghiwa ng manggang hinog para sa dessert. Ang sarap talaga ng mga pagkaing probinsya. “O, sige, Coleen, kumain ka na at titingnan ko lang kung gising na ba si Marie. Hindi ko malaman kung bakit napapadalas nang tinatanghali ng gising ang batang iyon, eh, maaga namang pumapasok sa kuwarto niya para matulog,” sabi niya sa akin. Ako man ay bahagyang nagtaka sa sinabi niya. Well, baka may ka-chat kaya napupuyat at tinatanghali magising. Lihim akong napangiti nang maalala ang palihim nilang tinginan ni Nolan kahapon. “Okay lang po. Hihintayin ko na lang po kayo, tutal hindi pa naman po ako nagugutom,” tugon ko. Tumango ito at dumiretso na sa kuwarto ni Marie. Sa totoo lang wala ako

