SERYOSONG nakaupo si Marcus na nakatingin kay Augustus, nasa isang sikat na bar sila naghihintay sa pagdating ni Gideon. Napagdesisyunan nilang uminom dahil matagal na silang hindi nakakapag-bonding. “Kahit kailan palaging late si Carrasco, wala ng ipinagbago simula umpisa late comers na.” Natatawang sabi ni Marcus bago nagsalin ng wine sa kanyang baso. Nasa isang vip room sila habang may mga ibang tauhan si Augustus sa labas. “Dapat nasasanay ka na sa ganyang gawain niya, sa ating tatlo ikaw lang naman ang nagbago. Masyado kang maraming tinatago sa amin.” Prangka sa kanya ni Augustus, malamig ang tingin nito sa kanya. Tumawa naman siya ng mahina pero agad din itong naging seryoso. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Augustus. “Kahit kailan wala akong itinatago sa inyo, bakit ko n

