*FROSTINE'S POV* MAAGA akong pumasok sa kanyang opsina, baka mamaya maging dragon na naman siya. Super saiyan ala majin buu. Basta galit na galit sa mundo, lunes ngayon kaya dapat good vibes! Kahit ang pagmumukha niya ay nakakasira ng araw. Kailangan niyang makauwi ng maaga ngayon, dahil pupunta ako sa huling target ko, dapat na siyang mamahinga. Nakasuot ako ngayon ng matino, itim na tuxedo, hindi ako naka-high shoes, sakto lang. Natauhan na ata si Lucian kaya ganito ang binili niya. Sino ba kasing tànga ang magsusuot ng skirt at sandals na may takong? Saka personal bodyguard ang trabaho ko, sa iba siguro gano'n ako hindi komportable. Umayos ako sa pagkakatayo dahil bumukas 'yung pinto, walang iba kundi si Maxwell, madilim ang mukha niyang tumingin sa akin. Lunes ngayon pero pang biye

