*FROSTINE'S POV* NAGISING ako dahil sa pagtunog ng aking cellphone, kinuha ko sa may table, sinagot ko ito ng nakapikit dahil nilalamon pa talaga ako ng antok. Napakunot ang noo ko dahil may ingay sa kabilang linya. Bar 'to ah sino namang itong tumawag, bwesit istorbo sa pagtulog!? "Hello Frostine, pwede bang pumunta ka dito sa bar. Hindi ko kasi maawat si Maxwell kanina pa nagwawala dito." Hingal na hingal na sabi ni Lucian, ano na namang nakain ng hinayupak na 'yan at may gana pa siyang magwala. Hindi naman bilog ang buwan para mabaliw siya, darn it pati ako nadadamay sa kagagohan niya! "Saan bar ba 'yan? Kung mag iinom kasi kayo sa tiyan niyo ilagay, hindi sa ulo!" Sermon ko sa kanya, nakakainis imbes na magpahinga ako ngayon. "Dito sa bar ni Maxwell, kung saan tayo nag-inuman dati

