KANINA pa naghihintay ang may edad na lalaki sa pagdating ni Victor. Hindi niya maiwasang matuwa, dahil nakikita niyang magtatagumpay siya sa kanilang plano.
"Boss, okay na siguradong siya ang madidiin. Inutusan ko na si Boyet para sa plano." Tumawa ng malakas ang ginong, hindi niya akalain na madaling magtiwala ang anak ni Robert.
"That's good, kailangan niyo lang mag-ingat dahil mukhang hindi basta-basta ang batang 'yon. Kailangan ko ng mapatahimik si Robert, para ako na ang maghari dito sa ating lugar." Ngumisi si Victor, matagal na nilang planong pabagsakin si Robert. Pero sa dami ng koneksyon niya ay nahihirapan sila.
"Ako ng bahala sa anak niya, gagawin ko siyang pain para mapabagsak si Robert. Sigurado akong magiging maamong tupa ang Robert na 'yon, dahil oras na namatay si Frostine wala ng papalit sa kanya." Sagot ni Victor, matagal na siyang sunod-sunuran kay Robert. Dahil gusto niyang makilala at umangat, nakipagsabwatan siya sa kalaban nilang gangster.
"Ang sabi ko, kailangan nating makuha ang tiwala ng pulis, kung kailangang maubos ang aking pera, gagawin ko para lang mapabagsak siya." Tumango si Victor, nagpaalam na siya sa ginong. Dahil kailangan pa niyang bumalik sa mansyon ni Robert.
Pagkarating niya ay nadatnan niyang nagkakagulo ang lahat, galit na galit si Robert dahil sa nangyari hindi lubos akalain na maaaring ipagkanulo siya ni Frostine.
"Boyet let's talk!" Malamig niyang sabi bago naglakad papunta sa kanyang opisina. Sumunod naman agad si Boyet, kailangan niyang magpaliwanag sa kanyang amo.
"Anong ibig sabihin nito, Boyet?" Huminga muna ng malalim ang binata.
"Ako po ang susundo kay Miss Frostine, nung nasa school na ako nakita ko siyang sumakay sa kotse ng Vendetta Cartel. Narinig kong may mission siyang gagawin, kaya sinundan ko sila nang ibaba na si Miss Frostine. Wala na itong malay kaya agad akong kumilos, para iligtas siya may nakita din akong mga pera sa kanyang bag. Pati na din mga pictures ng ibang mga connections niyo." Mahabang paliwanag ni Boyet, lalong nakaramdam ng galit si Robert naikuyom niya ang kanyang kamao.
Inilapag ni Boyet sa mesa ang bag ni Frostine, madilim ang mukha ni Robert na tumingin do'n.
"Itali niyo siya sa bodega!" Malamig niyang utos bago talikuran si Boyet.
"Anong katangahan ito Frostine, bakit kailangan mong gawin sa akin 'to! Hinding-hindi kita mapapatawad sa ginawa mo!" Mariin niyang sabi habang nakatingin sa malayo.
*FROSTINE's POV*
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang aking mga mata, nagising ang diwa ko dahil naramdaman kong nakatali ang aking magkabilang kamay. Tumingin ako sa paligid, wala akong nakita kundi kadiliman.
"Nasaan ako?" Mahinang tanong sa aking sarili.
Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kong sumakay ako sa kotse. Anong ibig sabihin nito? Bakit ako nakatali? Sino ang lalaking 'yon?
Iginala ko ang aking paningin dahil may narinig akong kalusko. Sobrang bilis na ng tikob ng puso ko, pinagpapawisan na ako ng malamig.
"Sino yan? Anong kailangan mo sakin!?" Sigaw ko hindi dapat ako matakot, kailangan kong makaalis dito baka hinahanap na ako nila papa.
"Sino yan!?" Muling sigaw ko habang pinapakiramdaman ang paligid.
"Pakawalan niyo ako dito, ano bang kasalanan ko sa inyo?" Malakas kong sigaw habang habang sinusubukang tanggalin ang tali sa magkabilang kamay ko.
"Tumahimik ka!" Napatingin ako sa may pinto, lumaki ang aking nang makita si papa.
"Anong kasalanan mo? Traydor ka Frostine ang kapal ng mukha mo. Buti na lang nakita ka ni Boyet, kailan mo pa kami niloloko? Ilang milyon ba ang binabayad sayo ng lalaki 'yon!?" Galit na galit niyang sigaw, wala akong maintindihan sa sinasabi ni papa.
"Anong pinagsasabi mo papa, hindi kita maintindihan?" Naguguluhan kong tanong, bakit wala akong maalala sa mga sumunod na nangyari. Paano ako napunta dito, ang alam ko sumama ako sa isang matanda.
I was going to speak but I couldn't because he punched me in the stomach. Halos mapaluhod ako dahil sa panghihina.
"H'wag ka ng nagmamaang-maangan pa Frostine, huling-huli ka na sa ginawa mong pagtatraydor. Anong klase kang anak walang utang na loob, pasalamat ka iniligtas ka pa ni Boyet sa kamay ng kalaban. May mga perang nakita sa bag mo, anong ibig sabihin nun?" Sunod-sunod akong umiling, dahil wala akong alam sa nangyayari.
Kahit anong pilit kong alalahanin ang lahat, hindi gumagana ang aking utak. If I knew this was going to happen, mas pinili ko na lang umuwi.
"Wala akong alam papa, kahit kailan hinding-hindi ko magagawang ipagkanulo ka. Maniwala ka naman sakin.” Hindi nagsalita si papa, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.
"Hindi ka makakalabas sa bodegang 'to hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo!" Malamig niyang sabi bago ako talikuran.
"Maniwala ka naman sa'kin papa, hindi ko magagawa ang bagay na 'yan." Nagmamakaawang sigaw ko pero hindi man lang siya lumingon.
I don't understand what's going on, bakit kailangan nilang ipaako sa akin ang nawaga nilang kasalanan. Napayuko nalang ako hindi ko na din mapigilan ang aking luha, naguumpisa palang ako pero ang dami ng hadlang. Ano bang nagawa kong mali? Kailan nila ako matatanggap? Saan ba dapat ako lulugar?
"Buti naman gising ka na!" Napatingin ako sa pinto, seryosong nakatingin sa akin si mama.
"What stupid thing have you done? Where do you get the courage to betray us?" Malamig niyang tanong umiling-iling ako.
"Hindi ko magagawa 'yan mama, wala akong maintindihan sa mga sinasabi niyo." Tumawa siya ng mahina, pero agad din naging seryoso.
"Hindi mo ako madadala sa iyak Frostine, ipaliwanag mo sakin 'to!" Sigaw niya sabay hagis sa mukha ko ang mga larawan.
"Gaano mo na katagal kakilala ang matandang iyon? May plano ka bang pabagsakin kami?" Mariin niyang tanong.
She pulled my hair, kaya napadaing ako kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
"Answer me Frostine. don't look at me that way!" Lalong humigpit ang paghatak niya sa buhok ko.
"Hindi ko siya kilala, sinabi niya sa aking sumama ako sa kanya. Ang akala ko kaibigan siya ni papa, sa tingin mo mama makakaya ko bang traydorin kayo?" Ano bang nangyari noong nawalan ako ng malay, ang daming katanungan sa aking isipan.
"H'wag mong inuubos ang pasensya ko Frostine, hangga't may awa pa akong nararamdaman para sayo sabihin muna ang totoo umamin ka na!! Ang bababaw ng mga rason mo, hindi ako naniniwala sa mga ganyan!" Napayuko ako bakit ba hindi sila naniniwala sa'kin.
"Wala akong aaminin mama, dahil wala naman akong ginagawang masama. Hindi ko magagawa 'yang ibinibintang niyo sakin, malinis akong magtrabaho ayokong sirain ang tiwala niyo papa. Ginagawa ko ang lahat para maging proud kayos sakin, why would I do something that could ruin me? Wala akong aaminin, bakit hindi niyo magawang paniwalaan ako. Ganyan na ba katigas ang puso niyo pagdating sa'kin?" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Nakatingin lang ako kay mama habang walang tigil ang luha kong umaagos sa aking pisngi.
"Talagang matigas ka, sino ba naman ang aamin sa kasalanang ginawa niya." Lalo akong naiyak, bakit? Bakit ganito?
"Kahit pahirapan niyo ako, hindi ko aaminin ang kasalanang kahit kailan hindi ko gagawin." Halos pabulong kong sagot, alam ko namang parurusahan nila ako.
"Talagang makakatikim ka, i'll make sure that you will regret betraying us!" Hindi na ako sumagot, nanatili na lang akong tahimik wala ng dahilan para magpaliwanag. Isa lang ang nasa isip ko ngayon, kailangan kong malaman kung sinong totoong traydor dito.
"You're worthless!" She said emphatically, bago lumakad palabas ng bodega. May pumasok na dalawang lalaki, may hawak silang latigo, ito talaga ang tadhana ko.
"You're really worthless, fight back don't allow yourself to be oppressed! Hindi ko sinabing lumabas ka, masyado kang epal!" Sigaw ng aking isipan, sumakit na naman ang ulo ko.
"Lumaban ka Frostine!!" Malamig niyang sigaw, napapikit ako dahil sobrang sakit ng aking ulo. I don't want this, I'm tired of trying to understand everything. Ayoko, ayoko na!!
"Aahhh!!" Sigaw ko dahil biglang hinampas ng latigo ang aking likuran.
"Mga hayop kayo!!" Galit kong sigaw sa kanila, matalim ko silang tinignan muli nila akong hinampas.
"Dapat patayin ang isang tulad mo, dahil traydor ka sa sarili mong magulang ginawa mo 'yon! Kahit anong gawin mo, hind isang kagaya mo ang makakapagpabagsak sa grupo!" Mariin at malamig na sabi ng kanang kamay ni papa.
“Ilang beses ko bang ulit-ulitin sa inyo hindi ako ang traydor sa grupo!!” Nagngingitngit sa galit kong sagot habang nakatingin sa kanya ng matalim.
“Muli ko na namang nakita ang mga matang ‘yan, gustong-gusto mo na naman bang pumatay?” Natatawa niyang sabi, lalo naman akong nakaramdam ng galit.
“Pakawalan mo ako dito, papatayin talaga kita, hayop ka!” Nanggigigil kong sigaw, tumawa siya ng malakas naikuyom ko ang aking kamao.
"If you want to kill me, ikaw mismo ang kumawala dyan hihintayin kita Frostine!” Nakangisi niyang wika bago umupo sa pang sofa, sumenyas siya sa kanyang kasama na pahirapan na ako.
Kinagat ko ang aking labi, para hindi mapasigaw sa akit. Galit na galit akong nakatingin sa kanya. Habang nag-eenjoy siyang panoorin ako, tinitiis ko ang sakit sa bawat hampas sa'kin. They are animals, papatayin ko kayong lahat, ipaparamdam ko sa inyo kung anong hirap ang idinudulot ninyo sakin.
“Ano na Frostine? Hanggang kailan ako maghihintay sayo?” Mapang-asar niyang tanong, hindi ako sumagot nanatili akong tahimik.
Dalawang sunod-sunod na hampas ang ginawa sa akin ng isang lalaki, dahilan para mapaluhod ako ng tuluyan pinipilit kong tumayo kahit nanginginig na ang aking tuhod. Makakatayo na sana ako pero muli akong nilatigo, napaluhod ulit ako mariin kong pinikit ang aking mata.
“Kahit anong gawin mong pagpupursigi, maraming hahadlang sayo para mapabagsak ka tandaan mo 'yan Frostine. Hindi ka welcome sa mundo namin, dapat alam mo yan dahil umpisa palang nahihirapan ka na.” Tumawa ako ng mapakla at tumingin sa kanya.
“Wala akong pakialam sa sinasabi mo, sadyang makikitid lang ang mga utak niyo. Mahirap para sainyong tanggapin na kaya ko kayong higitan kahit na baguhan palang ako. Natatakot ka ba na balang araw mawalan ka ng silbi kay papa? Tumatanda ka na dapat sayo nakahiga na lang sa kama, nagpapahinga at nag-aalaga ng mga apo mo.” Pagiinsulto ko sa kanya, kung sa tingin niya ay madadala ako sa mga salita niyang ‘yon. Nagkakamali siya hangga’t kaya kong lumaban, haharapin ko ang katulad niya.
Naglakad siya palapit sa akin, hinawakan niya ng mahigpit ang panga ko. Napaigik ako dahil sa sakit, kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata, hindi ako nagpasindak.
"You don't know me Miss Sevidal!"
“Hindi ako natatakot sayo!”
“That’s good atleast alam kong matapang ka, dyan ko masusubukan kung hanggang saan ang tapang mo.” Nakangisi niyang saad, sinakal niya ako agad akong nagpumiglas habang nakatingin sa kanya ng masama.
"Gusto ko ulit makita kung paano ka magkamakaawa, ang mga matang lumuluha at nakikitang nahihirapan ka." Nakangisi niyang wika, hayop ka hayop, hayop!
"I-I'm not that kid anymore remember that old man!" Malamig kong sagot kahit nahihirapan na ako.
Tumawa sila ng malakas, habang nakatingin sakin. Sige pagtawanan niyo ako ngayon, dahil sisiguraduhin kong ako naman ang tatawa sa huli.
“Tinatawag tayong lahat ni boss, may importante siyang sasabihin.” Sigaw ng isang kasamahan namin, agad niya akong binitawan at huminto sa pagtawa.
“Kilalanin mo kung sinong binabangga mo Sevidal!” Malamig niyang sabi bago ako talikuran. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinahabol ang aking hininga.
HINDI ko alam kung anong oras na, nakaramdam ako ng gutom dahil kanina pa sila hindi nagbibigay ng pagkain. Ramdam na ramdam ko na ang hapdi ng aking mga sugat, nangangalay na rin akong nakatayo lang, hanggang kailan ba nila ako pahihirapan. Hindi ba sila nagsasawa, kada magkakamali ako dito sa bodega ang bagsak ko.
Narinig kong bumukas ang pinto, hindi na ako nag-aksaya ng oras para tingnan kung sino ang pumasok.
Sa tunog palang ng takong ng kanyang sapatos, kilala ko na kung sino, si mama. Papakawalan na kaya ako, sana nga dahil hindi na kaya ng katawan ko.
Magsasalita na sana ako pero bigla siyang nagsalita, ang lungkot ng boses niya.
“Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang nabuhay, sana ikaw na lang ang nawala at hindi si Gino. Why aren't you the only one who died!?” Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni mama, pero hindi ko maintindihan kung ano ang kanyang sinasabi. Sinong Gino? Bakit kailangang ako dapat ang namatay?
“Sana ikaw na lang ang namatay!!” Sigaw niya sa pagmumukha ko, mahigpit niyang hinawakan ang magkabila kong balikat.
“Simula ng dumating ka nagkanda malas-malas na kami, dahil sayo bakit namatay si Gino kahit kailan wala kang kwenta!” Muling sigaw niya habang niyuyugyog ako. Para naman akong napako sa kinatatayuan ko, dahil sakin may namatay? Ano bang nangyari bakit wala akong maalala?
“Because of your stupidity Frostine, ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nalunod! dahil sayo kung bakit lahat ng pangarap namin para sa kanya ay naglahong parang bula! Malas ka! Malas!!” Nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sakin, para namang tinusok ng maraming kutsilyo ang aking puso.
“W-wala akong maintindihan mama.” Halos nahihirapan kong sabi, gulong-gulo na ako sa mga nangyayari.
“Palagi ka namang wala maalala, nagagawa mong tumawa habang kami ay nasasaktan dahil sa pagkamatay niya. Tapos ito pa ang gagawin mo, traydor ka Frostine wala kang utang na loob! Papatayin kita!” Mariin niyang sigaw bago ako sakalin, gustong-gusto ng kumawala ang aking luha pero pilit kong pinipigilan. Hindi ako iiyak, wala akong kasalanan!
“Mamatay ka Frostine!” Lalong humigpit ang pagkakasal niya sakin, nakatingin lang ako sa mga mata niya. Punong-puno ng galit at pangungulila ang aking nakikita.
"Hindi mo ba naiintindihan? Your brother died because of you!" Nanlaki ang mga mata ko, wala akong maalala na may kapatid ako. Anong sinasabi ni mama?
"You don't remember anything because you chose to forget him. Gusto mong magpakasaya, wala kang utang na loob!" Dagdag niyang sabi, sobrang sakit na ng aking leeg. Kung hindi niya pa binitawan to, baka katapusan ko na.
Sunod-sunod akong umiling dahil sa aking nalaman, parang hindi si mama ang nasa harapan ko ngayon. Dahil isang malamig siyang tao, pero ngayon durog na durog siya. Umiiyak habang sinisisi ako, kahit anong pilit kong alalahanin ang lahat hindi ko pa rin maalala.
“S-sige mama, patayin niyo po ako kung 'yan ang makakapagpagaan ng loob mo.” Halos pabulong kong sabi, napayuko ako dahil hindi ko na kayang makipagtitigan sa kanya.
Naiintindihan ko na kung bakit galit na galit sila sakin, yun ang dahilan kung bakit ang layo nila kahit gaano ako kalapit. I can't reach them, because of me I lost my brother. Bakit kasi hindi na lang ako ang namatay? Bakit kailangang siya pa, hindi ko sana nararanasan ang ganitong paghihirap.
“I’m sorry mama, I’m sorry…” Sunod-sunod na tumulo ang luha ko, no please Ayokong umiyak, ayokong maging mahina no please...
“Patawad hindi ko maalala ang mga kasalanang nagawa ko, patawarin mo ako mama.” Mahinang sabi ko bago mawalan ng malay, i’m sorry kuya Gino kung mas pinili kong kalimutan ka. Patawarin mo ako.
ITUTULOY