CHAPTER 3: [THE PAST: HER SAVIOR]

2007 Words
FROSTINE’s POV NAKATINGIN lang ako sa garden, gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga magagandang bulaklak. Wala rin akong ibang naririnig kundi huni ng mga ibon at palaka. Naglakad ako habang tumitingin-tingin sa paligid, pero agad akong napahinto dahil biglang umihip ang malakas na hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. "Ang lamig naman, dapat pala nagsuot ako ng jacket." Mahinang sabi ko habang nakayuko. “Frostine…” Napaangat ako ng tingin dahil may tumawag sa akin, lalaking hindi ko makita ang mukha kaya nagtataka akong pinagmasdan siya. “Frostine” Muling tawag niya sakin, bago tumalikod at naglakad patungo sa swimming pool kaya agad ko siyang sinundan. “K-kuya Gino?” Nauutal kong tawag sa kanya, huminto siya sa tabi ng swimming pool. Maraming naliligo kanina dito pero bakit wala na sila. “Frostine, bakit mo ako kinalimutan?” Malungkot niyang tanong habang nakatingin sa malayo. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya, siya ba talaga si Kuya Gino? Bakit hindi ko makita ang kanyang mukha, anong nangyayari? “Bakit mo kinalimutan si Kuya? Hindi muna ba ako mahal? Frostine.” Hindi ako makapag salita, para bang umatras na ang aking dila. Ang dami kong gustong itanong pero ayaw bumuka ng aking bibig. “Hindi mo na ba mahal si Kuya? Sumagot ka Frostine!” Galit na niyang tanong pero nanatili pa rin siyang nakatalikod. Napapaisip tuloy ako kung ano ang kanyang reaksyon. “Miss na miss na kita, gusto ko ulit marinig ang mga tawa mong nakakapagpagaan ng pakiramdam ko. Pwede bang tumawa ka Tine?” Napahawak ako sa aking ulo dahil biglang sumakit. "Alam kong ikaw 'yan Tine, dahil niligtas kita noong araw na 'yon." Lalo akong naguguluhan sa mga sinasabi niya. “Tumawa ka Tine pakiusap, gusto kong marinig ang tawa mo.” Mariin at malamig niyang pagmamakaawa. Napabuntong-hininga ako, sunod-sunod akong napalunok ng sariling laway bago nagsalita. “T-tama na hindi kita naiintindihan.” Nahihirapan akong sumagot dahil lalong sumasakit ang ulo ko. “Kinalimutan mo na ako ng tuluyan Tine, wala ka talagang kwenta sana hindi na lang kita iniligtas. Pinanood na lang sana kitang naluhod!!” Galit na galit niyang sigaw, bago siya tumingin sakin. Halos mapaatras ako dahil sa gulat, nanginginig na ang aking buong katawan dahil nararamdamang takot. Yung mukha na hindi ko makita kanina, ngayon ay nababalutan na ng sarili niyang dugo. "Don't come near me." Nanginginig kong sabi pero tila wala siyang narinig. Naglakad pa rin siya palapit sa aking kinatatayuan. “Pakiusap h’wag kang lumapit, patawarin mo ako kung hindi kita naaalala, pasensya na Kuya Gino." I couldn't hold back my tears, he stopped walking, narinig ko siyang bumuntong-hininga. "Bakit kailangan mong lumabas, mas maganda kung mawala ka na ng tuluyan." Halos tumindig ang balahibo ko sa katawan, dahil sobrang lamig ng kanyang boses. Para akong nakikipag-usap sa yelong naging tao. "Hindi ko namang ginusto, patawarin mo ako Kuya Gino." “Naiintindihan ko Tine, mas mabuting h'wag mo nang maalala ang nangyari. Masaya ako dahil nakikita kong isa ka ng matapang na dalaga, may gusto sana akong hihilingan sayo. H’wag mong pababayaan sila mama at papa. Hindi ko nasabi sa kanilang dapat silang mag-ingat, dahil may traydor sa kanilang mga tauhan." Seryoso niyang sabi, kahit hindi ko makita ang mukha niya, alam kong seryoso at malamig ang tingin niya sa akin. “S-sino? Gusto kong malaman, sabihin mo sa akin Kuya.” Umiling siya bilang sagot, pero bakit? Paano ko mapoprotektahan sila mama. "One day you will understand everything, who you really are, there is someone who knows everything. He will be the one who can help you when that day comes." Dahil sa dami ng kanyang sinasabi na hindi ko namang maintindihan. Lalong sumasakit ang aking ulo, sino nga ba ako? Sino ang tinutukoy niyang tutulong sakin? “Maging matatag ka Frostine, palagi kitang ginagabayan dahil mahal na mahal kita. Sana mapatawad mo ako kung iniwan kita at naging mahina. Hindi ko man lang naitama ang nagawa kung mali. Tine, sa huling pagkakataon pwede ko bang makita ang matatamis mong mga ngiti?” Lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya, hindi ko na maalala kung kailan ako huling ngumiti. “K-kuya-“ Nahihirapan kong tawag sa kanya, narinig ko siyang tumawa ng mahina tila ba tumigil ang ikot ng aking mundo. Kahit sobrang bigat ng nararamdaman ko, ngumiti ako na buong puso. Kahit nanlalamo ang aking paningin nakita kong ngumiti siya, naaninag ko ang mukha niya pero sobrang labo. “Paalam Frostine.” Nawala ang ngiti ko dahil sa kanyang sinabi, tumalikod siya sa akin at nagsimulang maglakad. "Kuya Gino, h'wag mo naman akong iwan." Sigaw ko halos tumakbo na ako palapit sa kanya, pero masyado siyang mabilis para maabutan ko. “Kuya ‘wag mo akong iwanan, ayoko ng mapag-isa nagmamakaawa ako.” Muling sigaw ko patuloy lang siya sa paglalakad, hindi man lang lumingon sa'kin. “Kuya!” Malakas kong sigaw, halos pumutok na ang ugat ko sa leeg. “Frostine!!” Tawag sa'kin ni Manang Flor habang niyuyugyog ako, apabalikwas ako sa aking kama at nanatiling nakayuko habang hingal na hingal. Panaginip lang ‘yun pero bakit sobrang sakit sa pakiramdam, napahagulgol na ako ng iyak dahil hindi ko na kaya. No ayokong maging mahina, hindi kita kailangan umalis ka! Sigaw ko sa aking isipan, habang nakahawak sa aking ulo. “Kuya Gino.” Umiiyak kong sigaw, nagulat ako ng yumakap sakin si Manang Flor. Napadaing ako dahil ang sakit ng aking likuran, panibagong sugat na naman hindi pa nga naghihilom ang ibang sugat ko. "H'wag kang umiyak Frostine, baka marinig ka ng iyong ina." Pagpapatahan niya sa akin. “B-bakit hindi ko siya maalala, Manang? Ano ba ang nangyari?” Naguguluhang tanong ko mas humigpit ang yakap niya sa akin. “H’wag mo nang balikan ang nakaraan Frostine, mas mabuting ibaon muna sa limot ang lahat.” Umiling-iling ako. “May karapatan akong malaman kung ano ang nagawa kong kasalanan, Manang please tell me what happened to Kuya Gino? Para maitama ko ang mali kong nagawa.” Pagmamakaawa ko, hinawakan niya ang magkabila kong balikat. “Tuluyan mo ng kalimutan ang nakaraan, hindi makakabuti sayo kapag nalaman mo pa. Maging matatag ka Frostine, yan ang huling sinabi ni Sir Gino bago siya mawala. Wala kang kasalanan hindi mo ginusto ang nangyari kaya ‘wag mong sisihin ang iyong sarili.” Pagkasabi niya ‘yun tumayo na siya sa pagkakaupo, napayuko naman ako ano bang itinatago nila? Bakit ayaw nilang ipaalam sa akin ang nangyari? Paano ko maitatama ang nagawa kong pagkakamali? Napatingin ako sa pinto dahil bumukas ito, si mama madilim ang kanyang mukha habang nakatingin sakin. “Gusto mong maalala si Gino? Narito ang lahat ng masasayang araw na magkasama kayong dalawa!” Malamig niyang sabi sabay abot ng photo album, agad ko namang kinuha nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko ito. "Tomorrow is his death anniversary." Halos pabulong na sabi ni mama bago lumakad palabas ng aking silid. "Mama." Tawag ko sa kanya bago tuluyang makaalis. "Wala akong oras makipagusap sayo, h'wag mong ipakita sakin ang mga matang 'yan. Dahil sayo nawala siya, kaya wag kang umasang papakisamahan kita!" Malamig niyang sabi, napayuko naman ako gusto kong magtanong pero umatras na ang aking dila. Narinig ko na ang tunog ng kanyang sandal na papalayo sa aking kwarto. Ilang minuto din akong nakayuko bago maisipang tignan ang mga larawan. My hand was trembling, habang binubuksan ang photo album. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko. “Kuya Gino, patawarin mo ako-“ Agad kong isinara ang photo album dahil hindi ko kaya, tama si Manang dapat ibaon ko na siya sa limot. “Kinalimutan na kita! I've forgotten you damn it! bakit kailangang balikan ko pa ang nakaraan!!” Malakas kong sigaw sabay ng hagis sa pader 'yung photo album. Pumikit ako at bumuntong-hininga para kumalma, nang medyo okay na ang pakiramdam ko ay pumunta na ako sa banyo para maligo. Pupunta ako ngayon sa sementeryo, para bisitahin si Kuya Gino, ito na ang huling pagkakataon na magpapaalam ako sa kanya. After taking a shower and treating the wound on my arm, lumabas na ako ng aking silid pumunta akong kusina para kumain. Nadatnan ko sila mama, tahimik silang kumakain tulad ng dati para lang akong hangin sa kanila. "Good morning mama, papa." Bati ko hindi man lang sila tumingin sakin. Pagkaupo ko ay agad akong pinaghandaan ni Manang Flor ng makakain. Sobrang tahimik ng dining area, walang maririnig kundi ang mga tunog ng mga kubyertos. "Papa, papatunayan ko pong wala akong kasalanan, ihaharap ko sa'yo kung sino ang totoong traydor dito." Seryosong sabi ko, tumingin siya sa akin. "Dapat pa ba akong magtiwala sa'yo? Bahala na kung ano ang gagawin mo. Wala na akong pakialam, dahil sinira muna ang tiwalang binigay ko sayo." Humigpit ang hawak ko sa kutsara. "Ibabalik ko ang tiwala niyo." Buong tapang kong sagot, tumingin ulit sa akin ng walang ekspresyon ang mukha. “Simula sa araw na ito, hindi ka na pwedeng lumabas ng walang bantay. H’wag mo akong kinakalaban Frostine.” Malamig na sabi ni papa bago tumayo, tumango naman ako bilang sagot. Tumayo na rin si mama at sabay silang lumabas ng dining area. Napabuntong-hininga na lang ako, bago pinunasan ang gilid ng labi ko at tumayo. I've lost my appetite, kung kailan nakasabay ko silang dalawa sa hapag. Ang bilis nilang natapos minsan lang mangyari 'yon. I don't even remember the last time we ate together. Paglabas ko ng bahay ay agad akong sinundan ng dalawang lalaki, hinayaan ko lang sila kahit magreklamo ako wala akong mapapala "Manong, may pupuntahan tayo sa puntod ni Kuya Gino." Napatingin naman sa akin ang personal driver ni papa, tumango-tango siya habang nakatingin sakin bago pagbuksan ng pinto. Pumasok ako ng walang sabi-sabi, sumakay sa isang kotse ang dalawang tauhan ni papa. "Nakakagulat na dadalawin mo si Sir Gino." Hindi makapaniwalang sabi niya habang nasa byahe kami. Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa labas. "Sabagay ilang taon na din ang lumipas, siguradong naka-move on ka na. Sayang lang at maaga siyang kinuha, siya na sana ang namumuno sa grupo ng inyong ama." Malungkot niyang sabi, hindi ko na lang siya binigyan ng pansin. Sigurado namang ako ang kanyang sinisisi. I was just looking at his grave, huminga muna ako ng malalim bago nilapag ang bulaklak na pinabili ko kanina. "Pitong taon na lumipas, ang bilis parang kailan lang noong araw na kasama kita. Sana pala hindi na lang kita pinilit maligo sa dagat, pinagsisisihan ko ang pagiging makulit at makasarili noong araw na iyon. Ikaw na sana ang namumuno sa grupo, lahat ng pagod mo nabalewala ng dahil sa akin. I'm sorry kuya kung pwede lang ibalik ang nakaraan, matagal ko ng ginawa para maitama ang lahat. Patawarin mo rin ako Kuya Gino kung mas pinili kong magkunwaring hindi na kita naaalala. Simula no'ng araw na 'yun palagi na akong nakikinig, dahil ayoko ng maulit 'yung nangyari. Hindi ko na din pinaalala sa kanya kung ano man ang nangyari, mas mabuti ng ako na lang ang makaramdam ng sakit. Pangako gaya ng sinabi mo, hindi na ako lalabas para sa ikabubuti niya. Alam mo bang kahit anong gawin ko, galit na galit pa rin sa'kin sila mama binabalewala ko na lang 'yun. Dahil ako naman ang may kasalanan ng lahat. Happy birthday Kuya Gino, alam kong masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. Hindi ko man maintindihan ang mga sinabi mo, ako mismo ang tutuklas ng 'yun. Ito na ang huling beses na bibisitahin kita, kailangan ko ng ibaon ang mga alalang dapat ng kalimutan. Maraming salamat dahil kung hindi dahil sayo, wala na sana ako ngayon hindi ko pababayaan sila mama tulad ng hiling mo. Paalam Kuya Gino.." Tumingala ako sa langit dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nanatili lang akong nakatayo, hinahayaang maligo ng ulan gusto ko mo ng mag-stay dito. Kahit ngayon araw lang, dahil sa mga susunod na araw kailangan ko ng magsimula ulit. May mga bagay akong dapat tuklasin at taong dapat pabagsakin. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD