FROSTINE's POV
MABILIS na lumipas ang araw, isang buwan na akong nagmamanman sa mga kasamahan namin. Dalawang tao lang ang may kakaibang kinikilos, sina Boyet at Victor napapansin kong madalas silang lumabas sa gabi. Kaya ang plano ko ngayon ay susundan silang dalawa, dahil may kutob akong sila ang nag set-up sa akin.
"Mukhang may bago kayong misyon, seryoso ba yan ginagabi tayo eh?" Malamig kong tanong habang nakatingin sa kanila. Napatingala naman sila, dahil nandito ako sa balcony ng kwarto ko.
"Mind your own business, Miss Sevidal." Mariing sagot ni Victor, tumawa naman ako ng mahina.
"H'wag mo kaming prenoproblema, ang problemahin mo kung paano mababalik 'yung tiwala ni Boss sayo. Isang buwan ka nang palamunin, hindi ka ba nahihiya sa sarili mo." Tumingin ako sa kanya ng masama, hintayin mong mapatunayan kong may ginagawa kang kababalaghan.
"Bakit naman ako mahihiya? Wala naman akong ginagawang dapat kong ikahiya. Kung meron man dito ang mahiya ay ikaw ‘yun Victor.” Kumindat ako sa kanya bago tumawa.
Tinignan niya ako ng masama bago sila tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Malalaman ko rin kung ano ang tinatago mo Victor, kilalanin mo din kung sino ang iyong binabangga. H’wag sila mama at papa dahil ako ang makakalaban mo, kahit buhay ko pa ang maging kapalit mapatay lang kita, i will!
Maaga akong nagising, pagkababa ko ng hagdan ay nakita kong may kausap si Boyet sa cellphone. Sino naman kaya ang kausap niya ng ganito kaaga,
Maingat akong naglakad palapit sa kanya, nagtago ako sa may gilid ng pinto.
“Pumunta kami kagabi Boss, pero ang sabi ng pulis wala pa silang nakukuhang ebidensya.” Napakunot ako ng noo dahil sa kanyang sinabi, anong ebidensya ang sinasabi ng lalaking ‘to. Naikuyom ko ang aking kamao, kailangan kong malaman kung saan sila pupunta sa gabi.
“Wala na Boss, hindi na ulit siya binigyan ng mission, si Victor na daw ang bahala sa kanya itutuloy niya ‘yung sinasabi niyang plano.” Damn you Boyet, akala ko mapagkakatiwalaan ka, malaki ang tiwala sayo ni papa pero anong ginagawa mo!
“Sige Boss mamayang gabi, sisiguraduhin naming may makukuha na kaming pwedeng laban sa kanya.” Nanlilisik ang mga mata kong nakatingin sa kanya habang palapit sa iba nilang kasamahan.
Tumingin-tingin muna ako sa paligid, baka na sa tabi-tabi lang si Victor.
"What are you doing there Frostine?" Malamig na tanong sa’kin ni papa. Hindi ko naman alam kong ano ang aking isasagot, tsk!
“Papa, may itatanong sana ako sayo.” Seryoso kong sagot, sumenyas siyang sumunod ako sa kanya.
“Ano 'yun?” Tanong ni papa pagupo niya sa kanyang swivel chair.
“May misyon ka bang binigay kina Victor at Boyet tuwing gabi?” Nakita ko ang kanyang pagkunot ng noo.
“Ibang grupo ang may misyon ngayon, next week ko pa sila bibigyan ng misyon sa purok sais." Napatango naman ako, ibig sabihin may iba silang misyon at utos ng tinatawag niyang boss.
“Bakit?” Seryosong tanong niya, umiling ako hindi ko pwedeng sabihin kailangang may maipakita akong ebidensya.
"Wala po papa natanong ko lang, aalis na ako." Paalam ko.
"Sandali, ibigay mo nga kay Victor ito." Utos niya sakin bago pa man ako makalabas ng tuluyan sa kanyang Opisina.
Inabot niya sa akin ang brown envelope, agad ko naman itong kinuha.
"Kung gusto mong bumalik ang tiwala ko sayo, patunayan mong inosente ka!" Seryoso niyang sabi, kaya napatingin ako sa kanya.
"Gagawin ko papa." Agad kong sagot bago lumabas ng kanyang opisina.
Pagkalabas ko ng opisina niya, huminga muna ako ng malalim bago naglakad papunta sa underground ng bahay. Nakaka isang hakbang palang ako sa hagdan ay tinatayuan na ako ng balahibo. Ilang taon na rin akong hindi nakakapunta dito, dahil iba ang mundong ginagalawan nila. dito ko natuklasan ang kanilang mga ilegal na gawain.
Muli akong huminga ng malalim bago tuluyang bumaba ng hagdan, humigpit ang hawak ko sa brown envelope. Dahil ang bumungad sakin. Bottles of wine and their clothes were scattered on the floor. Sa sofa na din sila natulog kasama ang mga binayaran nilang babae.
Naglakad ako papunta sa kwarto ni Victor, bubuksan ko na sana ang pinto pero may narinig akong mga ungol.
"Ahh Victor faster ahh ahh" Napaungol sa sarap ang babae, damn it what time na pero gumagawa pa rin sila ng milagro.
“Malandi ka talaga.” Nanggigigil na sabi ni Victor, halatang nasasarapan na ang gago. Ayokong magtagal dito dahil para akong na sa impreyno.
"Ahh sige pa darling, ang sarap mo talaga." Muling ungol ng babae, wala silang pakialam kahit may makarinig sa kanila, tama na 'yan binuksan ko na ang pintuan ng kwarto niya. Pareho silang napatingin sakin, nagulat pa ‘yung babae halos magtakip siya ng kumot sa katawan. Napasingkit naman ang aking mata ng makilala ko kung sino siya.
“Hindi ko akalaing pumapatol ka sa matanda Miss President.” Taas kilay kong sabi habang nakatingin sa kanya. Siya ang president sa classroom namin, tahimik siyang tao pero may gawain pala.
“What are you doing here, Miss Sevidal? Hindi ka ba talaga marunong kumatok?” Malamig na tanong sakin ni Victor, tangin@ng 'to matanda na pero manyakis pa rin.
“Here, pinabibigay ni papa. Wala ka na kasing balak lumabas dito, baka may nakakalimutan kang tungkulin tsk!” Umalis siya sa ibabaw ng kaklase ko, lalong dumilim ang aking mukha dahil hindi man lang siya nag-short bago lumapit sakin. Kitang-kita ko tuloy ang katawan niya, pati alaga niyang nakatayo pa rin.
"Magbihis ka na, sa ibang araw natin 'to itutuloy, may kakausapin lang ako." Utos niya habang nakatingin sakin, Kumilos naman kaagad yung babae.
"Wala naman tayong paguusapan, pumunta lang ako dito para ibigay sayo 'to!" Mataray kong sagot, tinignan ako ng masama ni Victor bago kinuha ang envelope.
“Ano ito?” Tanong niya habang nakatingin sa envelope.
“Malay ko puntahan mo si papa sa kanya ka magtanong.” Malamig kong sagot bago siya talikuran at naglakad palabas ng underground.
Pagkalabas ko ay nakahinga ako ng maluwag, agad akong napunta sa kusina para mag-almusal. Nadatnan kong nagchichismisan ang ibang katulong, nung nakita nila ako napatigil din sila sa paguusap.
“Hindi namin kayo binabayaran para lang magtsismis, marami pang pwedeng gawin sa sala!" Mataray kong sita sa kanila.
“Eh senyorita, may narinig kasi kami kagabi sa guest room. Babaeng umiiyak at nagmamakaawa tapos boses ng papa mo.” Napakunot naman ako ng noo, siniko siya ng kasama niya.
“Sinong babae? Anong oras?” Sunod-sunod kong tanong.
“Madaling araw na po, hindi ko nakita eh kasi natatakot akong sumilip.” Tumingin muna siya sa paligid bago lumapit sakin. “Senyorita, pinatay po ni Sir 'yung babae, si Victor po ang naglabas ng bangkay.” Mahinang bulong niya, para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko. Alam kong pumapatay ng tao si papa, pero mga salot dito sa lugar namin ang pinapatay niya.
Ang masama pa alam ni Victor, hindi kaya yung sinasabi ni Boyet kanina- no no, kailangan kong gumawa ng paraan. Sigurado akong si papa ang madidiin sa plano nila.
Kailangan kong makausap si papa, hindi pwede ang ganito.
Tumakbo ako palabas ng kusina, kailangan kong sabihin sa kaibigan ni Kuya Gino. Pero dapat ko ba silang pagkatiwalaan? Sino ang dapat kong pagkatiwalaan ngayon? Huminto ako sa pagtakbo, luminga-linga ako sa paligid ng makita ko ang maraming mga tauhan ni papa na nakakalat.
"Ayos ka lang ba Miss Frostine?' Tanong ni Boyet, mula sa aking likuran. Hindi ko pwedeng sabihin na hinahanap ko si papa.
"Nakita mo ba ang personal driver ni papa? May pupuntahan kasi ako, walang maghahatid sa akin." Malamig kong sagot, bago tumingin sa kanya. Gagawin ko ang lahat Boyet, kaya h'wag niyo akong sinusubukan.
"Ako na lang ang maghahatid sayo, Miss Frostine." Pagprepresenta niya, lihim naman akong napangisi. 'Yan naman talaga ang aking plano, hindi ko mabibilog si Victor kaya ikaw na lang.
"Sige sandali, magpapalit lang ako ng damit ihanda muna ang sasakyan." Utos ko bago bumalik sa loob ng bahay.
Nakasalubong ko pa si mama no'ng papaakyat ako ng hagdan. Malamig siyang tumingin sa akin, hindi ko na lang pinansin sanay na ako sa ugali niyang 'yan.
PAGKATAPOS kong magbihis at kunin ang baril ko, i told Boyet we were leaving na. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako. Napapansin kong panay ang tingin niya sa akin, ano bang problema nitong lalaking to.
"Is there something wrong Boyet?" Mataray kong tanong dahil naiirita na ako.
"Wala po Miss Frostine, kikitain niyo ba ang boyfriend mo?" Pabalik niyang tanong. Hindi ko maiwasang hindi mapakunot ng noo.
"Boyfriend? Are you kidding me? I don't have time for that!" May pagkainis na sagot ko.
"Sa ganda niyong 'yan Miss Frostine, walang nanliligaw sa'yo?" Muli niyang tanong.
"Sa tingin mo ba may susubok? Anak ako ng isang gangster at serial killer. Who dares to flirt with me?" Natatawang sagot ko bago tumingin sa labas.
"Dumaan muna tayo sa dating hide out, may mga gamit lang akong kukunin doon." Seryosong utos ko, tahimik na kaming dalawa habang nasa byahe.
Maya-maya ay nakarating na kami sa dati naming Hide out, nauna siyang pumasok nakasunod lang ako sa kanya.
"Nasa kwarto pala ni papa 'yung dadalhin mong mga gamit." Turo ko sa silid ni papa, wala naman akong kukunin dito may papaaminin lang ako. Lumakad na siya papunta doon, tahimik akong nakasunod.
"Nasa ilalim ata ng kama 'yung maleta, hindi ko kasi matandaan kong saan banda." Pagkasabi ko nun ay palihim kong nilock ang pinto. Lumapit ako sa kanya habang abalang naghahanap ng maleta sa ilalim ng kama.
"Nakita mo ba?" Tanong ko bago luhod at sumilip, napansin kong napatingin siya sa aking dibdib at napalunok ng sariling laway.
"Parang wala namang maleta dito, Miss Frostine." Sagot niya tumayo na ako sa pagkakaluhod at umupo sa kama.
"Boyet, kanina ko pa napapansin ang lagkit mong makatingin sa'kin." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa malayo. "May gusto ka ba sa akin?" Tanong ko bago tumingin kay Boyet. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumakad palapit sa kanya.
Inihagis ko ang sling bag sa kama, nakatingin lang ako kay Boyet habang binababa ang zipper ng suot kong dress. Muli siyang napalunok ng laway, hinila ko si Boyet patayo at itinulak sa may kama dahilan para mapahiga siya.
"Do you have a girlfriend, Boyet? Won't anyone be angry if something happens to us?" Malambing kong tanong, sunod-sunod siyang napalunok ng makitang naka bra at panty na lang ako.
"W-wala akong girlfriend, Miss Frostine." Nauutal niyang sagot tsk!
"Frostine na lang ang itawag mo sa akin, masyado kang pormal tayong dalawa lang ang nandito. Mabuti naman at wala ayoko kasing may kaagaw." Nakangising sagot ko bago ako pumatong sa kanya, naramdaman kong may matigas na bagay sa pagitan ng mga hita ko. Grabe tinitigasan na siya wala pa akong ginagawa.
"S-sandali lang mi- Frostine, baka may makakita sa atin malalagot ako kay Boss." Kinakabahan niyang sabi, talagang malalagot kapag nalaman niyang kasama ka sa mga traydor.
"Wala ka dapat ikatakot, walang ibang makakakita satin. Gusto mo naman ito 'di ba?" Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha, titig na titig siya sakin tagaktak na din ang kanyang pawis. Virgin pa ba 'to, maraming babae sa school ang nagkakagusto sa kanya, pero kung maka-react parang virgin pa tsk.
"May gusto ka ba sakin?" Malanding tanong ko, dahan-dahan siyang tumago. Napatingin ako sa mapupula niyang labi.
"Ilang babae na ang nahalikan mo?" Malamig kong tanong muli siyang napalunok ng laway.
"Wala pa akong hinahalikan, hindi naman ako kumukuha ng babae kapag nag-iinuman kami." Agad niyang sagot napataas ako ng kilay. Hindi halatang good boy.
Gumalaw ako sa ibabaw niya, lalong tumigas ang kanyang alaga kahit nakapantalon siya ay ramdam na ramdam ko pa rin. I smirked because he closed his eyes, what a hopeless man. Inilapit ko ang aking mukha sa kanyang tenga.
"Boyet, ahhh." Malanding ungol ko bago dinilaan ang kanyang tenga, nagulat ako nang hawakan niya ang aking bewang. Agad kong kinuha ang baril sa may bag ko.
"Isang tanong, matinong sagot Boyet. Kayo ba ni Victor ang traydor sa grupo?" Malamig kong tanong sabay tutok ng baril sa kanyang ulo.
"Sumagot ka kundi pasasabugin ko 'yang dalawa mong ulo!" Mariin kong sabi, wala akong makitang emosyon sa mukha niya.
"Tama nga si Boss, gagawin mo ang lahat para lang bumalik ang tiwala niya sayo." Malamig niyang saad, hindi ko pinansin ang sinabi niya. Desperada kong desperada gusto ko lang magtiwala ulit sa akin si papa.
"Ikaw ba ang naglagay ng mga pera at larawan sa bag ko?" Muling tanong ko at idiniin ang baril sa kanyang noo.
"Magsabi ka sakin ng totoo, kung ayaw mong idamay kita. Anong nakain mo at nakipagsabwatan ka kay Victor? Magsalita ka Boyet!" Sigaw ko sa kanya dahil ayaw niyang sumagot, nakatingin lang siya sakin ano bang problema ng lalaking 'to.
"Wala akong choice Frostine, pamilya ko ang magiging kapalit oras na hindi ako sumunod." Malamig niyang sagot, humigpit ang hawak ko sa baril.
"Duwag!" Sigaw ko tumawa lang siya ng mahina.
"Sino ang tinatawag mong Boss?" Tumawa siya ng mahina.
"Narinig mo pala 'yun, sabi na eh ikaw 'yung nasa pinto kanina." Tinignan ko siya ng masama.
"Magkano ba ang binabayad sayo para magawa mong traydorin si papa?" Hindi siya sumagot nagkibit balikat lang siya.
"Duwag ka! Wala kang kwenta lalaki! Napakaduwag mo!" Malamig at mariin kong sigaw sa kanya. "I'm going to kill your family while you're still conspiring with them! I'm not joking Boyet I'm going to kill them!" Halos pabulong kong dagdag.
"Sabihin mo sa akin lahat ng nalalaman mo, hindi kita ilalaglag kay papa! H'wag mo akong susubukan Boyet, isang tawag ko lang sa kaibigan ni Kuya Gino bangkay na ang iniingatan mong pamilya!" Humigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko.
"H'wag ang pamilya ko Frostine, 'wag mo silang idadamay!! " Sigaw niya sakin, bumangon siya sa pagkakahiga. Hinawakan niya ang baril na nakatutok sa kanyang noo. Naiilang ako sa pwesto naming dalawa, dahil sobrang lapit niya sakin.
"Kung ayaw mo silang madamay, sabihin mo sa akin ang totoo!" Muli kong ititutok sa kanya ang baril. Wala lang sa kanya if kalabitin ko man ang gatilyo ng baril.
"Walang mangyayaring masama kay Mr. Sevidal, dahil siya mismo ang nag-plano ng nangyari sayo para mahuli si Victor." Naguluhan naman ako sa kanyang sinabi. Anong plano?
"Pinalabas niyang ikaw ang traydor sa grupo, para hindi manghinala si Victor. Maraming koneksyon ang iyong ama hindi siya basta-basta matatalo." Hindi ko alam kong ano ang aking magiging reaksyon, ako ang naging pain para mahuli si Victor pero bakit? Wala na ba talaga silang pakialam sa nararamdaman ko? Wala siyang pakialam kahit may mangyari sakin? Kahit buhay ko ang maging kapalit wala lang ba lahat ng iyon? 'Yung mga pananakit niya? hindi na talaga tao ang trato nila sa'kin.
"Kinausap ako ng iyong ama tungkol dito, siya 'yung kausap ko kanina, alam niyang magiimbestiga ka sa mga nangyayari. Wala siyang choice kundi ang ikaw ang gagawin niyang bihag para mapatumba ang kalaban natin. Patawarin mo ako Frostine, kung gagawin ko ito magtiwala ka lang sa'kin." Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi, naramdaman kong may itinusok siya sa aking leeg.
Bakit? Bakit ganito ang nagiging kapalaran ko? Sino ba ang dapat kong pakatiwalaan? Ano ba ang binabalak nilang gawin bakit ako ang kailangang magsakripisyo?
"Walang mangyayaring masama sayo, hangga't nasa tabi mo ako pangako ko 'yan sayo." Mahina niyang sabi bago ako tuluyang nilamon ng dilim.
I don't know- Hindi ko alam kong dapat pa ba akong magtitiwala sa mga nakapaligid sakin.
ITUTULOY