Chapter 5
Pupungas-pungas ako ng pagbuksan ko ang kumatok sa pinto ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako...anong oras na ba? IYONG PARTY?!
“Hello, dear!!”nabigla ako sa bumungad saakin. He's smiling widely at me.
“H-Hi?”napakurap-kurap ako.
“I'm your make up artist. I'm Gerald but you can call me Georgina!”energetic niyang pakilala saakin at sinundan niya pa yon ng isang malakas na halakhak.
“H-Hi, Ge...”I faked a cough.”Georgina.”I smiled at him.
Nakangiti siyang tumango saakin.”Ah...”sumilip siya sa loob ng kuwarto ko.”...puwede bang pumasok?”he asked.
“A-ahh opo. Sorry.”tuluyan ko ng nilakihan ang pagkakabukas ng pinto para makapasok si Gerald...I mean si Georgina. Matangkad siya, maputi at napakagwapo sayang lang at pusong mamon ito siguradong madaming umiyak na babae ng malaman nilang bakla pala ang lalaki.
“Oh barbie I know what you're thinking nah-uh I don't like that look. Babae din ako hindi tayo talo.”he chuckled.
“Sorry po.”nahihiyang sabi ko at nag-iwas na ng tingin sakanya.
Tumawa siya at tumango saakin. “It's okay Zoey barbie. So shall we start?” iminuwestra niya ko paupo sa harap ng salamin.
“Madam Aleign is right napakaganda mo at siguradong mawiwili ako na maging make-up artist mo.”patuloy na chika nito saakin habang sinisimulan ng ayusan ako.
“Nga pala Barbie how old are you?”tanong nito.
“Twelve...magthithirteen next week.”sagot ko.
Nakita ko namang bumadha ang pagkagulat sa mukha niya saglit pa siyang natigilan sa ginagawa niya sa mukha ko.
“Hmm…12? I thought you're in 15-16? I mean hindi halata sa katawan mo ah matured na kung titignan ang katawan mo. Puwede ka ngang magmodel e.”maya-maya ay bumalik nanaman siya sa pagiging hyper.
Hindi siya nauubusang ng kwento kaya hindi ako inantok o naboring sa buong oras na inaayusan niya ko dahil napakadaldal ni Georgina at nakakaaliw iyon.
“Tada!”iniharap niya ko sa salamin at proud na tumingin saakin.”Diba! PERFECT! Bagay na bagay sa gown ang look mo at syempre ang make up mo.”he clapped his hand.”BONGGA! Hurry up at isuot mo na ang gown para kumpleto na.”
Inalalayan niya kong makatayo sa upuan ko hanggang sa makapunta ako sa walk-in-closet.
Pagkatapos kong magbihis ay tinulungan niya kong izipper ang likod ng suot kong gown dahil hindi ko magawa iyon ng ako lang ang mag-isa.
“Para kang si Bell ng beauty and the beast.”hagikhik niya.”Ang tanong sino ang Beast mo...speaking of…”
Napalingon naman ito sa pintuan na sakto namang kapapasok lang ni Elysian.
Napakagwapo nito sa suot na suit na kulay dark blue. Samantalang ako naman ay kulay yellow ang suot na gown.
“Are you ready?”tanong ni Elysian ng bumaling saakin.
“Oo.”I smiled softly.
“O siya barbie. Mauna na ko. See you na lang sa party.”paalam ni Georgina at kumindat pa saakin.
Bumaling naman siya kay Elysian.”Happy birthday Sir Elysian!”bati niya dito.
Tumango lang si Elysian sakanya at tuluyan na ngang umalis si Georgina.
“The party will start in 30 minutes. We should go now.”
Tumango ako at inangkla ang kamay sa braso niya, sinundan niya lamang iyon ng tingin pero walang naging komento. Pagbaba namin ng mansion ay andoon na din sila tita Aleign at tito Eric mukhang kami na lang ang hinihintay.
“You look beautiful as always, Zoey.”puri ni tita Aleign.
“Thank you tita.”I smiled blushingly.”You look beautiful too, tita Aleign.”sumulyap ako dito.
She smiled sophisticatedly and nodded.”Mabuti na lang at natakpan ang pamumula ng pisngi mo gawa ng ang pagsampal sayo ni Sera. I should commend Georgina skills. Magaling talaga magmake up ang isang iyon.”her face saddened when she mentioned that girl's name.
Marahan akong tumango. Hindi na umimik pa si tita Aleign at nagdesisyong umalis na kami.
Sa grandeneur palace ginanap ang birthday party ni Elsyian and at the same time ay ang pagpasa sakanya ng posisyon ni tito Eric bilang bagong CEO ng Corrins Empire. Actually lima sila na mamamahala ng Corrins Empire.
Pagbaba namin sakay ng limousine ay pinagkaguluhan agad kami ng mga paparazzi.
Flash ng camera doon. Flash ng camera dito.
Sa sobrang dami ng nangyayare ay parang malulula na ko.
”Zoey.” humigpit ang pagkakahawak saakin ni Elysian.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ay saka lamang humupa ang pagkakaroon ng komosyon.
“Chloe! Zam!”napalingon agad ako sa tinawag ni Tita Aleign.
Nakangiting lumapit saamin sila papa at mama.
“Where's Zach and Sasha?” tanong ni tita Aleign. Looking for my siblings.
“They are on their way. Nauna lang kami dahil kagagaling lang ni Zach at Sasha sa school.” paliwanag ni mama. Pagkatapos ay nilingon ako.
“Ma,”niyakap ako ni mama.
“Ang nag-iisang baby ko.”sabi ni mama.
“Kamusta sa mansion ng Corrins? I'm sorry kung hindi kami nakakadalaw ng papa mo sayo alam mo na masiyadong busy sa kompanya.”dagdag pa ni mama.
“Ayos lang po.”tango ko kay mama.
“Hindi mo pa ipinapahiya ang pangalan natin sa mga Corrins, Zoey?” biglang tanong ni papa.
Nawala ang ngiti ko at napayuko naman dahil doon.”Hindi po, pa.”
“She's doing fine in my house, tito Zam.” si Elysian.
Napaangat ako ng tingin ng magsalita siya lalo na ng pisilin niya ang kamay ko na hawak niya.
Seryoso ang tingin niya kaya hindi ko alam kung para saan ang ginawa niya...but I find that gestures comforting me.
Simula bata ako ay ganoon na si daddy saakin. Strikto at hindi makikitaan ng masiyadong emosyon. Kaya lumaki ako na mailap sakanya at lumaki na mama's girl.
“Zam, Zoey is a good daughter.” apila ni mama at yumakap sa braso ni papa.
Tumango lang si papa at hindi na umimik pa.
“Zam, masiyado mo naman atang pinepressure si Zoey. Hindi mo dapat pinaghihigpitan ang ganyang edad. Alam mo na...kapag pinaghihigpitan mas lalong magrerebelde.”msi tito Eric iyon. Mahina itong tumawa at umiling sa kausap.
Saglit itong tumingin at ngumiti saakin bago ibinalik ang atensyon sa kausap.
“Ayoko lang na madadawit ang pangalan namin sa kahihiyan, Eric. Siguro hindi naman masama kung disiplinahin ko ang sarili kong anak.”seryosong sagot naman ni papa.
“Of course! Ayaw mong nasisira ang reputasyon ng Cadwell.” halakhak ni tito Eric na parang may gustong patungkulan.
“Tama na yan Eric at Zam.”putol ni tita Aleign sa dalawa.“Halika na sa table at doon niyo na ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan.”dagdag pa ni tita Aleign.
“Are you okay?”nagulat ako ng tanungin ako ni Elysian pagkatapos naming makaupo sa table.
“O-oo.” I smiled reasurringly at him.
“Breathe, Zoey. No one's gonna harm you. Not in my party. And definitely not in my watch.” he said dangerously.
Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Elysian...
Nang magsimula ang party ay agad na tinawag ang buong Corrins para magbigay ng mensahe sa may kaarawan. Nagsimula iyon sa pamilya ni Ashen na parang hindi naman sineryoso ang birthday wish na sinabi kay Elysian. At ang pinakahuling bumati ay ang magulang ni Elysian. Tita Aleign cried while tito Eric can't stop laughing because of tita Aleign being too emotional. Nang matapos magbigay ng mga speech ang pamilyang Corrins ay tinawag na si Elysian. Lukot ang mukha nito at parang hindi gusto ang pakulo ngayong gabi. Nang makaakyat ito sa stage ay agad na nagpalakpakan ang mga bisita kasama na ako.
”I've been prepared for this being the heir of an Empire means a big responsibility but of course there's no pressure. No not at all. Isa akong Corrins it's in my blood to run this business and also I trust my Cousins.”nilingon niya kung nasan ang mga pinsan niya at nagtawanan naman ang mga ito.”And thank you mom and dad for bringing me in this world.”he smiled at his parents.
“I won't thank each of you for coming here. But there's only one person I'm thanking for being a part of this night. Zoey Cadwell.”I shivered at the mentioned of my name.
Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba ng biglang bumaba sa stage si Elysian at naglakad sa gawi ko. Nang tuluyan na siyang makalapit saakin ay inilahad niya ang kamay niya. Nakita ko ang suot niyang relo, iyon ang regalo ko!
“My parents are already proud of what I've become. Ikaw na lang, sayo ko na lang kailangan patunayan ang sarili ko.”unti-unting lumitaw ang ngiti sa labi ni Elysian.
Sa loob ng ilang segundo parang napunta ako sa ibang dimension dahil sa ngiti niya. Nabalik lang ako ng marahan niyang hinaplos ang pisngi ko.
“You're spacing out.”he stated.
Napalunok ako. Bigla akong napaiwas ng tingin sakanya. Hindi maaari! Nanlalamig ang kamay ko habang hawak niya at ang bilis-bilis din ng t***k ng puso ko.
Ito na kaya yung sinasabi ni Ishelle...
Crush ko si Elysian!
Parang naging slowmo ang paligid habang nagsasayaw kami sa gitna. Matangkad siya saakin at naiilang ako tuwing kailangan ko siyang tingalain lalo na pag kakausapin ko siya.
“I still have five more years to wait.” he chuckled.
Muli akong nag-angat ng tingin sakanya. His eyes we're sparkling while his looking at me.
“You can run, walk, escape anything and everything in this world but you'll do those thing together with me, Zoey.”