Chapter 4
Kinabukasan ay maaga akong nagising para sana batiin ulit si Elysian pero sila Ashen na lang ang naabutan ko sa kusina na nag-aagahan. Saglit akong napatigil at parang nadismaya ng hindi ko siya naabutan doon.
“Oh, Zoey bat nakabusangot ang mukha mo?” puna ni kuya Pierre saakin.
Umiling ako at walang gana na tinusok ang hotdog na nasa plato ko.
“Magkikita din naman kayo mamaya, Zoey.” ginulo ni kuya Ashen ang buhok ko. Kaya naman napaangat ako at napatingin sakanya.
“Kay Deyron ka muna sasabay ngayong araw sa pagpasok, Zoey.” Kuya Park informed me.
Tumango ako at inubos na ang natitirang pagkain sa lamesa ko. Inisang lagok ko din ang isang basong gatas na nakahanda para saakin. Hindi naman ako mahilig maggatas pero simula ng tumira ako sa mansion ng Corrins nakasanayan ko na lang ang uminom ng gatas tulad ng bilin ni Elysian. Nang minsang hindi ko siya sundin at hindi ako uminom ng gatas ay isang linggo niya kong hindi pinapansin. Grabe magtampo parang gatas lang e.
“Maraming kailangan asikasuhin si Elysian kaya kinailangan niyang umalis ng maaga. He's now 21. The announcement will be later. At mabigat na responsibilidad iyon para kay Elysian.” binuhay na ni kuya Deyron ang makina ng sasakyan at pinaandar na iyon.
“Take care. Hindi ko alam kung ako ang magsusundo sayo mamaya.”si kuya Deyron.
Tumango ako sakanya at nagpaalam na papasok na sa Greenfields Academy. Natanaw ko agad sila Ishelle na kumakaway sa direksyon ko kaya naman patakbo ko silang nilapitan.
“Hi!”I greeted them.
“Hi, Zoey!”they all winked at me.
“I'm so excited later!”Selene exclaimed.
Sinang-ayunan naman naming lahat iyon.
“Pero sino kaya ang date ni kuya Elysian mamaya? It's his big day today I wonder who's the lucky girl?”napapaisip na tanong ni Selene.
“Maybe that Sera girl?” patanong na sagot ni Ishell at nagkibit-balikat.
“Hmm…maybe?”Gretta nodded.
“O baka si Zoey!” Selene chuckled.
Samantalang buong araw ko naman inisip ang bagay na iyon hanggang sa natapos na ang buong maghapon ko sa school at nagulat ako ng si Elysian ang sumundo saakin ng uwian. Akala ko ba busy siya?
“E-Elysian...”gulat na sambit ko bago sumakay na sa loob ng sasakyan.
Sinulyapan niya ko bago binalik sa harap ang tingin. At pinaandar na ang sasakyan paalis.
“Deyron told me you're looking for me.”he said, parang nanunukso ang tono.”Why? Miss me?”
Nilingon ko siya.”H-huh? H-hindi ah.”
“Tss.” He snorted.
Napanguso naman ako. He's always so cold and serious.
“Happy birthday...”nahagip ng tingin ko ang suot niyang pambisig na relo hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot ng makitang hindi iyon ang iniregalo ko.
Hindi niya siguro nagustuhan...
“I'll wear it later.”aniya.
Nag-angat ako ng tingin sakanya.
“Sa party.”he added.
Marahan akong napangiti at tumango sakanya ng makuha ang tinutukoy niya.
“O tamang-tama nandito na si Elysian.”bungad ni kuya Ashen ng makapasok kami sa b****a ng mansion. Andoon lahat sila kasama ang isang babae na hindi ko kilala pero minsan ko na siyang nakita sa unang party ng Corrins na napuntahan ko noon.
“Andito na si Elysian, Sera.”dagdag pa ni kuya Ashen at nilingon ang nakatayong babae sa tabi niya.
“Yeah. I can see that, Ashen.”the girl rolled her eyes and Ashen just chuckled and shooked his head.
Samantalang nakangiti naming luampit ang babae kay Elysian.
Siya ba ang date niya mamaya? She's beautiful. Mukhang magkaedad sila. Bagay sila. And why do I sound bitter?
“Where are you going, Zoey?” napatigil ako sa paglalakad ng magsalita si Elysian.
Lahat tuloy sila ay napalingon saakin.
“Aakyat?”patanong na sagot ko.
“Stay.”utos niya.
Wala naman akong nagawa kundi ang tumango at manatili katulad ng utos niya.
“I told you, Sera you'll not gonna be my date. And stop following me around.” he sounded pissed.
Sera laugh humorless.”At sino ang magiging ipapakilala mong date mamaya ‘yang batang 'yan?” Mapanghusgang turo saakin ni Sera na ikinabigla ko naman.
I hide in kuya Park's back.
“It's none of your business. You may leave now.”nilampasan siya ni Elysian pero pinigil niya ito.
“Elysian!”galit na tawag niya dito.”Bakit siya? She's just a kid! Siguradong pagtatawanan ka lang kapag dinala mo siya mamaya sa party. Iisipin nila na nasisiraan ka nan g bait at pumatol ka sa bata.” she said disgusted.
Hindi sumagot si Elysian at tinanggal niya ang pagkakahawak sa braso niya ni Sera.
“You!”humarap saakin si Sera at ang sumunod na nangyare ay naging mabilis para maiwasan ko ang pagsampal ni Sera saakin.
“SERA!”dumagundong ang boses ni Elysian sa kabuuan ng mansion.
Puwersahan niyang kinaladkad si Sera palabas ng mansion habang dumadaing ang babae sa higpit ng pagkakahawak ni Elysian sa kamay nito at ako naman ay dinaluhan nila kuya Deyron.
“She's really a bitch.” naiiling na komento ni Kuya Ashen.
“Wait. I’ll go and get an ice pack for your cheek. Hope it won’t go swollen.” Kuya Park said worriedly at umalis na.
“Patay tayo kay tita Aleign nito.” iling naman ni kuya Pierre.
“Mga babae talaga sakit sa ulo!”si kuya Ashen naman na lukot ang mukha.
Nakaupo na ko sa sala ng magbalik si Elysian. Lumapit ito saakin at naupo sa tabi ko.
“Let me see...”kinuha niya ang ice pack at tinignan ang pisngi ko. Ilang beses siyang napabuntong hininga at pagkatapos ay inilapat ulit ang ice pack sa pisngi ko.
“What happened, Zoey?” Sabay kaming napalingon ni Elysian kay tita Aleign na kadarating lang. Bumaling ang tingin nito sa anak niya.”Elysian?”nagtatanong siyang bumaling sa anak.
Elysian sighed.”Sera slapped her, mom.”
Tita Aleign gasped. She look at me worriedly at agad na dinaluhan ako.
Nang makalapit saakin ay sinuri niya ang magkabilaang pisngi ko.”And where are you, Elysian when Sera slapped my precious Zoey?”tanong ni tita Aleign.
“Mom, let's not talk about it.”tumayo na si Elysian at iniwan kaming dalawa ni tita Aleign sa sala.
“Ano na lang ang sasabihin ng magulang mo? My God! I'm so sorry I'll make sure this won't happened again.”she look really sorry.
Marahan akong ngumiti sakanya. “Ayos lang po, tita Aleign. Aksidente lang po iyon.”
She sighed.”You know that's not an accident, hija. Magpahinga kana muna mamaya na ang party. I want you to be the most stunning girl later at the party.”she winked at me.
Inalalayan niya kong makatayo hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.
“Mamaya ay kakatukin ka ng make up artist. Don't worry he's nice and he's excited to see you.”she smiled at me.
Ngumiti ako sakanya pabalik at sinarado na ang pinto ng kwarto ko.