Dumating si Aliya at kinukulit ako na lumabas kasama ang family niya pero tumanggi ako. Bigla siyang naupo sa aking kandungan at hinalikan ako agad. Akma ko siyang itutulak nang marinig ko ang isang tikhim sa may pinto. Napasigaw ako at para kaming natuklaw ng ahas sa sobrang gulat nang makita ko si Deanne na may blankong ekspresyon. She’s holding a bunch of papers at hula kong mga papeles iyon. Humingi siya ng paumanhin dahil kanina pa raw siya kumakatok pero walang nagpapasok sa kaniya kaya pumasok na lamang siya agad. Inilapag lamang niya ang mga papeles sa aking lamesa bago magpaalam sa akin na may pupuntahan siyang importante. Kumunot ang aking noo pero tumalikod na siya at hindi na ako hinayaang magsalita pa. Hindi na muling bumalik si Deanne at naiinis na naman ako dahil doon

