Kinabukasan ay maaga akong nagising. Hindi ako makaget-over sa pagtatalo namin ni Andrey kagabi. Nagtataka rin ako kung bakit siya nagpunta rito para magpaliwanag. Wala naman siyang dapat ipaliwanag. Nakapagtataka naman ang kaniyang mga ikinikilos samantalang dati-rati ay hindi naman siya ganoon. Nag-ayos na ako nang aking sarili at pumasok sa banyo at naligo. Ilang minuto lang ang itinagal ko doon bago lumabas ulit. Nagbihis ako ng simpleng pencil skirt and a fitted sleeveless, maglalagay naman ako ng blazers kaya hindi masyadong makikita ang balat ko at pinaresan ko iyon ng isang flat shoes. Maputi naman ako at wala naman akong dapat ikahiya kaso nga lang, baka mapagalitan na naman ako ng amo kong abnormal. Sasabihin na naman niya sa akin na restricted daw ang aking suot pang-opisina.

