Kasalukuyang umorder ang dalawa ng kanilang pagkain. Hindi nakapalag si Kassel nang bantaan siya ng kaniyang amo kaya sa huli nagpasya siyang umorder. Sino ba naman ang hindi magugulantang kung ang CEO ng pinakamalaking korporasyon sa buong asya ay nagdadala ng kaniyang employee sa mamahaling restaurant, hindi ba? Dumating ang order nila ngunit nagbabangayan pa rin silang dalawa. Para silang aso’t pusa na nagbabangayan sa isang kalsada. “Bakit mo pa kasi ako dinala dito,” ungot ni Kassel sa kaniyang amo. Simpleng tingin lamang ang ipinukol ni Andrey sa reklamador niyang sekretarya. “Malamang papakainin ang sekretaryang gutom.” sagot nito. “Hindi ko naman sinabing pakainin mo ako, kaya kong bumili ng sarili kong pagkain.” giit ng dalaga. Inirapan siya ng kaniyang amo na siyang ikina-k

