"Duke Cailen, harapin mo ko!" Nabigla kaming lahat nang makarinig ng malakas at nagwawalang sigaw mula sa harapan ng mansyon. Natigilan ang lahat ng kasamahan ko at nakita ko pa ang pagsimangot ng kanilang mga mukha na tila nakikilala nila kung sino ang taong naroroon. "He's back," iiling iling pang komento ni Annie saka nagpatuloy sa kanyang ginagawa kaya ganoon din ang ginawa ng iba. Mukha bang sanay na sanay na sila sa ganitong eksena. Napanguso ako dahil lalo lang ako nagkaroong kuryosidad kung sino ang taong iyon. "Duke Cailen, alam ko nandiyan ka! Harapin mo ko! Huwag kang magtago diyan!" muling pagsigaw ng taong iyon. "Tsk! Dahil bumalik na sa mansyon ang ating duke kaya nagbabalik na rin ang ating bwisita," nakangiwing komento naman ni Max, "Mukhang maghapon na naman marirind

