Malakas na hinampas ni Ronald ang kamay sa ibabaw ng kanyang mesa para mapalundag sa takot ang mga kaharap niyang mga royal knight. Lahat sila ay hindi malaman kung paano haharapin ang galit na galit nilang commander sa oras na ito. "Mahigit limang buwan na nang huli niyo nakita si Ada?!" malakas na sigaw tanong niya sa mga ito, "At hindi niyo naisipan na ipaalam sa akin ang tungkol dito nang mas maaga?!" Takot na napayuko ng ulo sina Mors at Warrick dahil sa hindi nila alam kung paano magpapaliwanag ngayon. Lalo na sukdulan ang galit ng kanilang commander dahil nawawala ang anak niyang si Ada. Buong akala ng dalawang royal knight ay ligtas na nakabalik sa mansyon ng mga Payden ang dalaga. Naging kampante sila sa kanyang kaligtasan at wala niisa sa kanila ang naisipan na samahan siya pa

