Pagkatapos na pumayag si Duke Cailen sa kanilang binigay na kondisyon ay agarang hinila niya ako pabalik sa loob ng mansyon. Tahimik lang ako habang sumusunod sa kanya kung saanman kami patungo ngayon. Dahil sa ngayon ay ang dami-daming tanong sa isipan ko... Katulad na lang kung bakit na pumayag siya na manatili rito si Miss Valarie ng isang buwan. Posible kaya na... balak niya na piliin din si Miss Valarie na pakasalan sa huli? Dahil nalaman niya na si Miss Valarie ang babaeng matagal na niyang hinahanap? Kung ganoon nga ang dahilan... Ibig sabihin ba nito ay mababalewala na naman ako sa puso ngayon ng duke? Napayuko ako ng aking ulo para itago ang pangingilid ng luha sa mga mata ko. Naramdaman ko na naman ang matinding sakit noong mas pinili ni Duke Cailen si Miss Agatha kaysa s

