DRAFT 80

2216 Words

Kinabukasan... At katulad ng aming inaasahan ay bumalik sa dating pag-uugali si Miss Valarie. Iyon nga lang ay wala pang isang araw ay nakabawi na agad siya. Nagising na lang kami na nasa sala siya at naka-ekis pa ang mga hita habang prenteng nakaupo sa isang sofa. Dinaig pa niya ang may-ari ng mansyon sa kanyang postura. Inaasahan ko pa naman na mga ilang araw ang aabutin bago muli siya magparamdam ng kanyang ka-malditahan sa amin. Ngunit may kakapalan pala talaga ang balat niya ay agarang nakabawi sa ginawang pagbabanta sa kanyang buhay ng duke. Sinubukan namin na ibaling ang atensyon kaysa bigyan pansin ang dalaga sa kanyang ginagawa. Lalo na abala ang lahat sa kani-kanilang mga trabaho kaya kahit ako ay nag-prisinta na tumutulong sa kanila para kahit papaano ay mabawasan ng kahit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD