Naging puspusan ang ginawang pag-iimbestiga ni Miss Valarie sa akin para may maibigay siyang ebidensiya at mapatunayan kay Duke Cailen na anak ako ng commander ng royal knights. Kaya sa loob ng dalawang araw ay naging mapayapa ang aming mga araw. Walang Valarie na nanggugulo sa aming dalawa. Hindi ko tuloy alam kung sinadya ba ni Duke Cailen na gawin iyon para mapatigil sa pangggugulo sa kanya si Miss Valarie. Pero alam ko na hindi magtatagal ay makakakuha rin ng ebidensiya si Miss Valarie. Iyon nga lang ay wala naman akong rason na itago ang bagay na iyon dahil alam naman ni Duke Cailen ang tungkol doon. Malakas na napabuga ako ng buntong hininga saka ibinababa ang binabasa kong libro. Nilingon ko pa ang duke na abala sa kanyang mga pinipirmahang mga papeles. Nang mapansin naman niya

