"Magandang umaga sa iyo, Duke Cailen," masayang masaya na pagbati ni Miss Valarie nang makapasok kami ni Duke Cailen sa dining room para sabay na kumain ng aming agahan. Napataas kilay ako sa ginagawang ito ni Miss Valarie. Umaakto siya ngayon na walang nangyaring konprotasyon kahapon sa opisina ng duke. Kahit harapan ng ipinamukha ni Duke Cailen sa kanya na wala siyang balak na makipagtulungan sa kanilang masamang plano laban sa palasyo ay nandito pa rin siya para patuloy na manggulo sa amin. Ngunit mas ikinakunot ng noo ko ay sa mismong upuan ko pa siya na naupo. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit sa akin ni Duke Cailen dahil sa sadyang pang-aagaw ni Miss Valarie ng pwesto ko. Ngunit alam ko na hindi lang ang pwestong ito ang balak niyang agawin mula sa akin. Isa itong babala para sa ak

