Sa harapan na konprotasyon na iyon sa pagitan namin ni Miss Valarie ay ako ang nagmukhang talunan. Malungkot na napayuko ako ng ulo at mariing napakuyom ng kamay dahil sa hindi ko napigilan na mangyari ang gulong ito kahit nahulaan ko na ang posibilidad na mangyari ito nang una pa lang. "Damn!" galit kong bulalas at malakas na napahampas ng kamay sa pader. Doon ko inilabas ang lahat ng galit ko dahil naisahan kami ni Miss Valarie. Akala ko ay isang nagmamagaling na kontrabida lang siya. Na walang katalinuhan sa paggawa ng masasamang balakin. Ngunit isang pagkakamali lang pala iyon... Ibinababa namin ang aming depensa sa kanya kaya ito naisahan niya kami. "Paano ko mapipigilan ang duke na kalabanin ang palasyo?" namomoblemang sambit ko, "Kahit mas hamak na malakas ang duke... Ang prob

