Tila isang malalang bangungot nang marinig ko ang pangalan na iyon. Ang taong na hindi ko kailanman nais na makaharap muli ay siyang mismo na nasa harapan ko ngayon. "B-Buhay k-ka?" hindi ko makapaniwalang sambit, "I-Imposible..." Akala ko ay nagkataon lang na may pagkakatulad sila ng ugali pero literal pala na siya ang bruhildang si Vanessa. Inisip ko rin na baka isa lamang siya na alagad ng kasamaan na ipinadala sa akin pero literal na siya pala ang demonyita. Napapikit ako ng sandali para pakalmahin ang aking sarili. Doon, bumalik sa aking alaala ang lahat ng masasakit na ginawa niya sa akin. Pang-aalila, pang-agaw ng aking nobela, paninira sa aking kinabukasan, pag-aalok na maging kanyang ghostwriter, at paghantong namin sa aking kamatayan. Sinira niya ang lahat ng pangarap ko sa a

