Napanganga si Annie mula sa aking isiniwalat. Alam ko na hindi katanggap tanggap na ang mundong ginagalawan mo pala ay parte ng isang nobela. Problemadong napahawak pa siya sa kanyang ulo at pilit na sinisink in ang kanyang napag-alaman. Halatang hindi niya matanggap ang katotohanang iyon. Dahil doon ay nagdalawang isip ako na ipagpatuloy ang pagsasabi sa kanya ng aking mga sikreto. Baka hindi kayanin ni Annie ang lahat ng malalaman niya. "S-Sinasabi mo ba na isang nobela lang ang buhay namin dito?" hindi masayang sambit niya, "Na gawa lang kaming lahat sa iyong isinulat na nobela?" Mabilis na iniling ko ang aking ulo para hindi sang-ayunan ang kanyang iniisip sa oras na ito. "H-Hindi naman sa ganoon..." pagtanggi ko, "Sabihin natin na nagkataon na nakasulat ang tungkol sa mundong ito

