Tulalang napadungaw ako sa labas ng bintana. Ang dami daming tanong sa aking isipan na gusto kong masagot. Iyon nga lang ay takot naman ako masaktan sa kung anong katotohanan ang maaari kong matuklasan. Masyado na kasi ako nasaktan at kapag naulit ito ay baka tuluyan na ako mabasag at hindi ko na kayanin pa. "K-Kaide..." pabulong na bigkas ko pa sa ibinigay na pangalan ng duke para sa aming anak. Napakagandang pangalan na napili ng duke para sa kanya. Sayang lang dahil ang pangalan na napili niya para sa kanyang anak ay sa maliit na lapida lang na iyon makikita. Biglang malungkot na napahawak ako sa tapat ng aking puso at hindi ko maiwasang maiyak muli. Napakasakit nawalan ng isang anak. Pero mas masakit na hindi ko man lang siya nayakap sa aking bisig. Umiyak na umiyak muli ako roon a

