Medyo matagal ko ng alam na kasa-kasama ni Duke Cailen ang dalawang knight mula ng bata pa lang siya. At sila pa ang mas tinuturing niyang mga ama kaysa sa dating duke. Iyon din ang dahilan kaya sobrang protektado ng dalawang knight ang kanilang duke. Dahil kahit hindi nila sabihin ay tinuturing nilang isa siyang kadugo. Handa nila ibigay ang kanilang buhay maprotektahan lang siya sa lahat ng kanyang mga kaaway. "Mga bagong knight lang sina Oswald at Kano nang maitalaga silang maging bantay ng batang duke... kaya napakabigat na agad ng tungkulin na inatas sa kanila ng dating duke," pag-alala ni Luz, "Iyon ang dahilan kaya hindi naging madali para sa kanila na protektahan ang duke bawat araw. Ilang beses din nalagay sa panganib ang buhay nila sa pagprotekta sa batang duke. Kaya hanga ako

