Namutla ang triplets dahil sa malakas at galit na pagsigaw ni Mors. Kahit sanay na sila sa nakakatakot at nakakaintimida na presensiya ng kanilang duke ay iba pa rin kung ibang tao ang kanilang makakaharap sa ganitong paraan. Lalo pa silang nangamba dahil nahuli ng mga royal knight na may tinatago sila. Nagbigay kasi ng mahigpit na kautusan sa kanila ang duke at iyon ay huwag na huwag babanggitin ang pangalan ni Ada sa harapan ng mga magsisiyasat na royal knight. Pakiramdam tuloy nila ay nabigo sila na gawin ang ibinigay na utos ng kanilang duke. Natatakot sila na ito ang maging dahilan para makagawa sila ng ikapapahamak ngayon ng kanilang amo. "P-Pawang katotohanan lang ang sinabi namin," pagpupumilit ni Vina sa kanilang mga salaysay, "W-W-Wala kaming sinabing kasinungalingan..." "Huh

