Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay walang nagawa sina Ronald kundi sumunod sa tinawag na butler ng duke para ihatid sila sa kanilang tutuluyan na kwarto habang mananatili sila sa mansyon. "Ito po ang magiging kwarto niyo," magalang na sambit ng matandang butler at pinagbuksan sila ng pinto, "Naiayos na rin po sa loob ang mga gamit na dala niyo." Nagulat ang tatlong royal knight nang makita ang kalakihan ng kwartong ibinigay sa kanila. Pakiramdam nila ay tinuturing silang mga espesyal na bisita ngayon ng duke. Ang buong inaasahan nila ay hindi sila maayos na itra-trato roon para mapilitan na umalis nang mas maaga. "Kung may mga kailangan o iuutos kayo ay maaari niyong patunugin ang bell sa ibabaw ng lamesita at agarang may mag-aasikaso sa inyo," pagbibilin pa ng butler sa kanila. "Ah..

