Halos inabot ng kalahating araw ang naging paglalakbay nina Ronald patungo sa kinaroroonan ng mansyon ng Elrod sa bayan ng Crypsoria. Hanggang sa wakas ay natanaw na nila ang kanilang pinaka-destinasyon. Medyo napalunok pa si Mors nang bumungad sa kanilang paningin ang itim na mansyon na may patay na mga halaman sa paligid bilang palamuti. Aakalain ng kahit sino na isa itong haunted house dahil sa itsura nito. "I-Ito ba talaga ang mansyon ng Elrod?" paniniguro pa ni Mors sa kanyang mga kasama, "Parang abandonado na ito eh..." "Ito na talaga iyon dahil ito lang naman ang malaking mansyon na makikita sa bayang ito," sagot naman ni Ronald sa tanong ni Mors. Itinigil nila ang kanilang sinasakyan na kabayo sa tapat ng malaking pintuan ng mansyon at hinintay ang mga taong sasalubong sa kanil

