ABALANG abala si celestine sa flower shop ng araw na yon, madami na kasi ang tumatangkilik sa kanila.
noon ay napakaliit lamang ng flower shop nila ng kaibagang si mimi. pero ngayun dahil sa dumami na ang kanilang mga suki ay kinailangan nadin nilang umangkat ng bulaklak sa baguio.
lalo na pag may mga malalaking kliyinte silang umoorder ng mga bulaklak.
gaya nga ng araw na yun, kaya halos lahat sila sa shop ay abala sa pag aayos ng mga bulaklak na dadalhin sa batangas. may umorder kasi sa kanila ng napakadaming puting rosas. kaya naman kinailangan pa niyang umangkat sa baguio.
isang beach wedding ang gagapin doon at sa kanila umorder ang ikakasal. balita niya'y isang magarbong kasalan ang kanilang susuplyan ng mga white roses.
mayaman daw kasi ang groom.
halos maghapong wala siyang pahinga, maya't maya ay may tumatawag sa kanya o di naman kaya ay kailangan niyang tumawag.
bukas ng madaling araw ang alis nila para ideliver ang mga bulaklak para nga naman fresh pa ang mga iyon bago magsimula ang wedding.
pero ang iba sa mga iyon ay naipahatid na niya sa kanyang tauhan. at ang para sa buque ng bride ay bukas na lamang niya iyon ipadadala.
si mimi na lamang ang pasasamahin niya kay mang pedring, .at ito na lamang ang magaassest sa pag aayos ng bulaklak sa location ng gaganaping kasal.
linggo kasi kinabukasan at wala si leleth ang nagaalaga sa kambal umuwi ito kahapon ng gabi sa bulacan at sa lunis pa ang balik.
kaya naman siya ang nakatukang mag-alaga sa kambal.
"ready na ba lahat ng dadalhin bukas" tanong niya sa ilang tauhang kasama niyang nag aayos ng mga bulaklak.
binalot nila iyon ng dyaryo, at inilagay sa timbang may tubig ng sa kanoon ay hindi malanta.
maagang ibibiyahe ang iyon bukas patungung nasugbo batangas, para sa gaganaping beach wedding ng kanyang kliyinte.
"oo ate, okay na lahat,.". sagot ng isa sa mga ito.
"siguraduhin niyo na hindi agad agad malalanta ang mga bulaklak." aniya.
" oo ate,, wag kang mag alaala kaming bahala. ".
"sige , pag tapos niyo dyan, magsiuwi na rin kayo. mauuna na ko at walang kasama ang kambal." paalam niya sa mga ito.
at binitbit na ang kanyang bag na nakapatong sa may counter.
" nga pala minda ikaw na bahalang maglock ng shop. ". at inabot niya dito ang susi.
mabilis namang inabot iyon ni minda. si minda ang katiwala nila ng kaibigan sa shop pag wala silang magkaibigan.
mamaya pa kasi ang balik ni mimi. umuwi kasi ito ng pasig kahapon.
kaya kahit walang magaalaga sa kambal napilitan siyang iwan muna ito sa isang kapit bahay. kaya naman nagmamadali na siyang makauwi ng mga sandaling yun.
dahil siguradong pagud na sa kakasaway ang kapit bahay niyang si loseng sa magkapatid,dalawang taon at kalahati na ang kambal, subrang kukulit na ng mga ito.
tatlong taon mahigit na pala ang matuling lumipas simula ng gabing yun. pero parang sariwa parin lahat sa kanyang alaala.
bakit parang namimiss niya si david. yun lang ang tanging alam niyang pangalan ng ama ng kanyang mga anak.
pabuntong hiningang isinara niya ang pinto ng kanyang second hand na sasakyan.
matapos maisuot ang seatbelt matulin na niyang pinaharurot iyon, gabi na kasi, dadaanan pa niya ang mga anak...
KINABUKASAN nagising si celestine sa walang tigil na pag tunog ng kanyang cellphone, kahit inaantok pa ay inabot niya iyon sa side table sa gilid ng kama.
tiningnan ang orasang nasa tabi ng lamp shade. alas kwatro palang ng madaling araw, bakit naman kaya ang agang tumawag ni mimi,.
"hello bhessy,."inaantok pa ang boses na bungad niya dito
"bhessy, sorry sa maagang pagtawag i know naman na pagud ka kahapon,at wala ako para tumulong, pero may problima tayo bhesh". sabi nito sa kabilang linya.sa tinig na nagaalala
biglang nagising ang natutulog pang diwa ni tin.sabay bangon sa higaan.
"anong nangyare,? anong problima?" sunod sunod na tanong niya.
"nagising lang din ako sa tawag ni aling susan, hindi daw tayo maipagmamaniho ni mang pedring, dahil sinumpong ang rayuma nito.". nag aalalang wika ni mimi.
napabuntong hininga si tin.
pano na kaya ngayun yan. kung kailan kailangang kailangan niya ang driver,. hindi naman siya pweding sumama, pano ang kambal walang titingin sa mga ito.
"hello bhessy, andyan ka pa ba?" tanong nito.
"oo bhesh, pano na kaya yan. anong gagawin natin,? wala kabang kakilalang driver na pwede mong tawagan. sabihin mo nalang na emergency." hindi magkandaugagang sabi niya dito.
"naku, magagahol tayo bhesh, ikaw nalang kaya, kung marunong lang akong magdrive kahit ako nalang sana. " sabi nito.
"pano naman si bella at gani?" tanong niya dito ang tinutukoy ay ang kambal na anak.
" dalhin nalang natin bhesh, para makapasyal narin ang dalawang tsikiting na yan.".sagot nito.
wala na nga siyang nagawa kundi ang bumangon na sa higaan kahit antok na antok pa.
inayos ang ilang gamit na dadalhin para sa kambal, nagdala na rin siya ng pedding bottle at gatas para sa mga ito, paminsan minsan kasi ay naghahanap pa ng dede ang dalawa.
matapos maiready ang mga kailangan dalhin,iniuna na niya iyon sa sasakyan, pagkatapos ay naligo na din siya.
gigisingin nalang niya ang mga anak. hindi n niya paliliguan ang mga ito. nagdala siya ng pangpaligo ng dalawa, dahil alam niyang magwawala ang mga ito pag nakita nila ang dagat.
napangiti siya. mahilig kasi sa tubig ang dalawa. hindi nga magkasundo ang kambal. si bella kasi ay may pagkapilya, masayahin din. at kahit dalawang taon at kalahati palang ang edad ng mga ito ay subrang daldal na.
kabaliktaran naman ni gani, bata palang ay makikitaan mo na ng pagkasuplado laging salubong ang makapal na kilay nito. at ayaw nito sa pagiging makulit at madaldal ng kakamabal.
the twins look like thier father, bella is a baby girl version of david while gani is his baby boy version. wala man lang siyang naging kamukha. at kong parehong naging girl or boy ang mga ito malamang hindi mo makikilala kong sino si bella at sino si gani.
matapos makapagready ginising na niya ang mga anak. katakot takot n iyakan pa nga dahil ayaw pang gumising ng mga ito.
pero sinabi niyang "sweetheart come on, were leaving, do you want to come to mommy,? were going to the beach with ninang ganda,". patukoy niya kay mimi.
at bingo, biglang tumigil sa pag iyak ang mga ito. "are we going to swim, mom?" masiglang tanong ni bella.
"yes sweetee... so come on, do you want to come or not?".malambing na tanong niya.
" yes". duet na sagot pa ng mga ito mag pa-five am na ng umaga kailangan na nilang makaalis. malayo layo din kasi ang nasugbo sa tagaytay. kailngan bago sumikat ang araw nandoon na sila.
mag aaranged pa kasi sila ng mga bulaklak na dala-dala pag dating doon.
binihisan lang niya ang mga ito at inakay ng palabas ng bahay, matapos masigurong nakasarang maigi ang lock. pinasakay na niya ang dalawang bata sa back seat ikinabit ang seatbelt for thier safety at umikot sa driver seat.
nakita niya ang saya sa munting mga mukha ng kanyang mga anak, ang makita ang munting ngiti sa mga labi ng kambal ay nagbibigay ng lakas sa kanya. , while bella was non stop talking, and gani was just looking outside the window.
narating nila ang flower shop nakita niyang nakatayo sa harap ang kaibigan. na tila ba hindi mapakali,.
nang makita nito ang kotse niya ay agad umaliwas ang mukha nito.
matapos maipark ang sasakyan mabilis itong lumapit at binuksan ang back seat. mabilis namang bumati ang kambal sa kanya.
ang kaibigan na ang nagtanggal ng seatbelt at umalalay sa mga bata, at siya naman ay kinuha ang mga gamit ng mga ito.
nauna ng sumakay si mimi at ang kambal sa van.
lahat ng kanilang kilos ay nagmamadali.tila ba walang oras na pweding masayang.
naupo siya sa driver seat si minda naman ang nasa tabi niya, si mimi at ang mga bata ay sa likod. nakalagay na din doon ang iba pang bulaklak na dadalhin nila sa kasal. ang ibang bulaklak ay nandoon na kahapon pa iyaayos na lamang ang mga iyo.
kaya kailangan nilang magmadali.
silang dalawa ni minda ang nagtulungan para maibaba ang mga bulaklak mula sa van dinala ito sa isang open area sa private resort, kung saan gagapin ang sakal,.. doon na lamang nila iaayos ang lahat ng bulaklak para mamaya bago magsimula ang kasal ay mabilis na lamang nila iyong maiaayos.
alas kwatro pa kasi ng hapon ang kasal, pinili ng mga ikakasal ang sunset, dahil sa ganoong paraan daw nagkakilala ang dalawa, nagkakilala daw ang mga ito sa isang beach habang papalubog ang araw.
kaya naman mahaba haba ang ang oras nila para maisaayos lahat ng kailngan.
mababaet ang mga nagtatrabaho doon, tinulungan sila ng mga ito, kahit halos lahat ng mga ito ay abala sa kanya kanyang ginagawa.
nagmamadaling bumalik si celestine sa van upang ibaba pa ang ilang mga bulaklak na naiwan pa doon.
ng bilga siyang mabangga sa isang matigas na bagay, hindi niya napansin ang isang lalaking nakasalubong, abala din kasi ito sa cellphone na hawak.
"oooohhhhhhh"... bigkas niya na gigiwang giwang ang katawan,sapagkat nawalan na sila ng balance,
hindi niya inaasahan ang ginawa ng lalaking nakabangaan.
mabilis ang mga bisig nitong umikot sa kanyang baywang, dahilan para dalawa silang mabuwal sa buhanginan.
patagilid ang naging pagbagsak nilang dalawa. nakayapos ang bisig nito sa kanyang baywang,kaya para silang magkayakap ng sandaling yon.
nakaramdam siya ng kunting sakit ng bumagsak sa buhangin at tumama ang katawan isang maliit na bato.
"awwttsss,." napapikit na bigkas niya.
"s**t". narinig niyang wika ng lalaki
mabilis niyang idinilat ang kanyang mga mata.
natulala siya ng masilayan ang mukha ng lalaking nakabanggaan.
its been 3 years,pero kahit kailan hinding hindi niya makakalimutan ang mukhang iyon.
mas lalong nandilat ang kanyang mga mata ng unti unti ay dumilat ito.
napansin siguro nito ang pagtitig niya dito.kaya naningkit at nagsalubong ang dalawang kilay nito. kilay na kuhang kuha ng kanyang si gani.
tinitigan siya nito,.na tila ba nagiisip, nakilala kaya siya nito.? dahilan para mabilis ang naging pag kilos niya,sa isang iglap ay natanggal niya ang braso nitong nakapaikot sa kanyang baywang at mabilis na tumayo. hindi siya pweding makilala nito.
"so-sorry ,.." yun lamang at mabilis na siyang lumakad palayo sa lalaki. naiwan naman itong nakatingin sa babaeng papalayo.