MAtuling lumaipas ang dalawang buwang bakasyon niya sa probinsiya.
at ngayun ay paalis nanaman siyang muli,sa pagkakataong yun, hindi niya alam kong kailan siya muling babalik.
she just find out,last two days ago that she was pregnant. yes bontis siya. nagbunga ang isang gabing pakikipag one night stand niya sa isang lalaking una palang niyang nakilala at nakita.
at alam niyang malulungkot at masasaktang ang ina pag nalaman iyon.
oo nga at gustong gusto nitong magkaapo na sa kanya,.
pero ang magkaapo ng walang asawa siguradong masasaktan niya ang damdamin nito.
hindi ito nagkulang ng pangaral sa kanya.
lagi nitong sinasabi na, wag na wag niyang isusuko sa kahit sinong lalaki ang kanyang kapurihan hanggat hindi siya nito ihinaharap sa dambana.
at hindi na iyon mangyayare pa. dahil bontis siya at sa lalaking hindi niya lubos na kilala.
at nangyari ang lahat ng iyon dahil sa kanyang kagustuhan.
dahil sa takot na matagal namahay sa kanyang puso patungkol sa mga lalaki.
na kahit kailan hindi niya sinabi sa kanyang pamilya.
at tanging kay david lang niya naramdamang hindi pala parepareho ang mga lalaki.
dahil kahit noon lamang niya nakilala ang lalaking iyon,.
ipinaramdam sa kanya nito ang pagiingat at pag pasuyo.
kakaibang pakiramdam ang muli niyang naramdaman ng maalala ang gabing yun sa kanyang buhay.
at tulad ng dati, mabilis niya iyong iwinaksi sa kayang isipan.
nagpaalam na siya sa kanyang magulang, at sympre nalungkot nanamang muli ang kanyang ina.
pinipilit siya nitong wag ng umalis at doon na pumirmi.
pero sa bandang huli ay hindi nanaman siya nito napilit.
ipinaliwanag niyang mabuti dito na gusto niyang magbagong buhay sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanya.
hindi niya sinabi dito ang kanyang kalagayan.
kailangan niyang umalis sa lugar nayon.
dahil alam niyang siya ang magiging tampulan ng tsismis sa kanilang lugar. bukod sa maliit na baranggay lamang na siguradong mabilis na kakalat ang balitang nabontis siyang matandang dalaga ng
walang asawa.
mataas ang expectations ng kanya ina sa kanya. dahil hindi siya natulad sa halos lahat ng kabataan doon sa kanilang isla na maagang nagsipag asawa.
mahirap man sa kanyang kalooban ay umalis syang muli, na walang kasiguraduhan kong saan siya pupunta,
pero kailangan niyang gawin para sa ikabubuti ng lahat.
KINABUKASAN ay maaga siyang hinatid ng kanyang ama sa bayan gamit ang isang bangkang pangdagat, habang pasakay sa bangka hindi niya maiwasang pumatak ang butil ng kanyang luha.,
matagal nanaman bago siya makakauwi sa lugar na yun,.sa lugar kong saan siya luamki,.
siguro pag handa na siyang harapin ang lahat ng magiging sasabihin ng mga taong nakatira doon.
at pag handa na niyang sabihin sa pamilya ang nangyari at naging dahilan ng lahat ng naging disisyon niya sa buhay.
nakita niyang kumakaway ang kanyang ina mula sa gilid ng dagat.
kumaway din siya dito.
nakakalungkot lang na kailangan nanaman niyang umalis at magtiis na hindi makasama ang pamilya sa mahabang panahon.
NANG marating nila ng kanyang ama ang daungan ng bangka sa bayan, tinulungan siya nitong makababa at maibaba ang mga gamit na kanyang dala dala.
at isang salitang "MAG-IINGAT KA PALAGI ANAK". sabi nito na tumagos sa kanyang puso.
pilit niyang pinigiligan ang luhang gustong gusto ng pumatak sa kanyang mga mata.
at isang salitang pasasalamat ang kanyang binitiwan "maraming salamat ho pa.". at sa kauna unahan pagkakaon mula ng matakot siyang lumapit sa mga lalaki at kahit sa kanyang ama at mga kapatid na lalaki, niyakap niya ang kanyang ama.
NAKARATING ng maynila si celestine, sinundo siya ni mimi sa terminal ng bus. at walang katapusang kumustahan ang nangyari sa kanilang magkaibigan,.
isang linggo na ito sa pilipinas kaya imbis na sya ang susundo dito siya ang sinundo nito.
"kumusta kana bruha ka?, at talaga palang ginawa mo yung sinabi mo noon sakin, ano bang nangyari sa matino kong kaibigan, hindi naman kita tinuruang gawin yun kahit na gustong guato ko ng magkajowa ka.,," sunod sunod na sabi nito sa kanya.
natawa siya sa kaibigan.
"hinay hinay lang naman ang kakatanong. ". aniya dito.
Doon sya tumuloy kila mimi, may bahay ang mga ito sa pasig, doon siya tutuloy habang inaasikaso ang balak niyang pag bili ng lupa sa tagaytay upang makapagsimula ng panibagong buhay,
bago man lang lumaki ang kanyang tiyan at makapanganak,.
gusto niyang maging maayos ang lahat,.
kahit pa nga magisa niyang haharapin iyun.
gagamitin niya ang perang iniwan sa kanya ni david bago siya nito iniwan ng gabing yun.
malaking tulong ang maibibigay nun sa kanya.
hindi niya alam kung anong dahilan ng lalaking yun bakit nito ginawa ang bagay na yon kung bakit nag-iwan ito ng malaking halaga sa kanya.
ahh... siguro nagbabawas ng kayamanan niya kong mayaman nga ito.
para bagang charity.
pero kung anuman ang dahilan nito hindi na iyon mahalaga pa sa kanya.
ang mahalaga sa kanya sa ngayun may magagamit siya para magsimula ng bagong buhay.
Lumipas ang mga araw. at nakahanap siya ng isang lupain sa tagaytay maganda ang lugar tahimik,hindi gaanong malayo sa bayan, may mga ilang tanim narin ng mga punong kahoy na namumunga gaya ng lansonis,rambutan saging, hindi naman kalakihan ang lupang iyon tama lang para magkaroon ng isang maliit na farm. may nakatayo narin maliit na bahay doon. ipapaayos na lamang niya iyon ng kaunti.
halos kasi kahoy ang lahat ng kasangkapan sa bahay na yun.kunting ayos lang at magiging maganda iyon.
napangiti siya. iyon ang pangarap nyang buhay,simpling buhay, kasama ang anak na kanyang tanging naging pangarap.
at sabay na hinimas ang maumbok na niyang tyan.
"anak dito tayo magsisimula, dito natin bubuuhin ang lahat ng masasaya at magiging pangarap natin,aalagaan kita at mamahalin. pupunuan ko ang pagmamahal ng isang ama na kahit kailan hindi ko maibibigay sayo.". malungkot na kausap niya sa sanggol na nasa kanyang sinapupunan.
mag aanim na buwan na pala ang tiyan niya. malaki na din iyon at tatlong buwan nalang ay masisilayan na din niya ang anak.
hindi siya nag abalang magpa-ultrasound gusto kasi niyang maging surprised sa kanya ang kasarian ng magiging anak.
ilang araw lang matapos bayaran ang lupaing yun at maipaayos ang bahay na nakatayo na roon ay lumipat na siya. para manirahan sa lugar na yun.
sa lahat ng yun at tinulungan siya ni mimi.
buti nalang laging andyan ang kaibigan para sa kanya.
sabi nga nito "bhessy ginagawa ko ito para sa magiging inaanak ko,abay hindi ako papayag na hindi ako magiging ninang niyan no, siguradong maganda o kaya ay gwapong bata yan, dahil sabi mo ay magandang lalaki ang ama niyan." naalala niya pang sabi nito sa kanya.
napangiti na lamang siya dito...
MATULING lumipas ang buwan, at dumating na ang araw na iluluwal na niya ang kanyang anak, nasa hospital na siya ng mga sandaling yun.
tinawagan niya si mimi bago mag-isang pilit na marating ang hospital sa kanilang bayan.
mula sa kinahihigaan habang nalalabor nakita niyang humahangus na paparating ang kaibigang si nimi, at kitang kita niya ang pag aalala sa mukha nito.
nakukunsinsiya siya dito.
alam niyang may sariling problima din ito dahil nakipaghiwalay ito sa boyfriend.
nahuli daw kasi nitong may babae ang boyfriend at bontis pa nga ang babaeng higad na nang agaw sa boyfriend.
pero wala siyang ibang malalapitan kundi ito lamang.
malayo siya sa pamilya, at walang nakakaalam isa man sa kanyang pamilya ng nangyayare sa kanya.
naging maayos ang kanyang panganganak. at subrang saya ang kanyang naramdaman.
hindi lang kasi isa kung hindi twins ang kanyang mga baby.
na lalong nagbigay sa kanya ng dahilan para maging matatag at magsumikap sa buhay.
naguumpisa na rin kasing makilala ang flower shop na kanyang pinagsikapan.
ang kanyang maliit na farm ay nagiging maganda ang mga panamin niya doon. ibat ibang kulay ng rosas ang kanyang naisipang itanim sa hindi naman gaano kalakihang green house na hindi kalayuan sa kanyang tirahan. bukod sa mga rosas ay may iba't iba png klasing halamang namumulaklak ang pinag aaksayan nyang itanim doon.
unti unti ng natutupad ang kanyang mga pangarap.
at ngayun nga ay makakasama na niya ang kanyang mga munting anghel pag balik sa kanyang paraeso.
nakapagdesisyon si mimi na doon na muna,. para daw may makatulong siya sa pag aalaga sa kanyang kambal at sa kanyang maliit na negosyong sinisimulan.
dahil gusto daw nitong makalimot at magsimula ng bagong buhay.
kaya mas lalo siyang naging masaya.
magagawa nadin nilang simulan ang kanilang pangarap noon ng nasa saudi pa sila.ang magkaroon ng kahit maliit na negosyo lamang.