episode 7
NAgising si celestine sa liwanag na tumatama sa kanyang mukha, na nagmumula sa salaming bentana. medyo nakalilis kasi ang kurtina nito.
nang maidilat ang mga mata, tumambad sa kanya ang isang hindi pamilyar na kwarto,at ng tangkang babangon sana ay nakaramdam siya ng sakit ng ulo, medyo nahihilo pa nga siya.malamang dahil sa alak na kanyang nainom ng nagdaang gabi.
bigla niyang naalala kung anong nanyare, kaya biglang bumangon at lumingon lingon sa paligid ng kwarto,
pero nagiisa na lamang siya ng mga oras na yun, .. wala na ang lalaking kasama niya ng magdamag.
napailing na lamang si celestine sa sarili.
her plan is to escape this room after that night.
pero parang baliktad yata ang nangyare. ayon at nagiisa na siya sa kwartong yun.
at ni anino ng lalaking nakasama niya kagabi ay wala na.
"ako pa talaga ang tinakasan niya.." nasabi niya sa sarili at medyo natawa pa nga sa nangyare.
"masmabuti na rin yun." dugtong pa niya.
mabilis na bumaba ng kama si tin at dumeretso na sa shower room na nandoon. hindi na siya nag abalang balutin ng kahit ano ang katawan. mag-isa nalang din naman siya sa kwartong yun.
Itinapat niya ang medyo nananakit pang katawan sa maligamgam na tubig na nagmumula sa shower.
hinayaang mabasa ang buo niyang katawan. nagbabakasakaling mawala nito ang bakas ng nagdaang gabi.
pero hindi, dahil ng mga sandaling yun, para bang nararamdaman pa rin niya ang labi ng lalaking kasama niya kagabi ang pag gapang ng labi nito sa buo niyang katawan,ang pag-dama at pagpapala nito sa kanya.
naipilig niya ang kanyang ulo at inalis sa kanyang isipan ang nangyari.at tinapos na ang paliligo.
bakit ba iniisip niya ang nangyare kagabi? bakit ba iniisip niya ang lalaking yun.?kailangan na niyang kailimutan ang nangyare kagabi pati ang lalaki yun,.
hindi naman na niya ito kailangan,ang importante sa kanya ngayun ay magkaroon siya ng anak.
umaasa siyang isang araw ay may naidulot na isang magandang pangyayare ang naganap kagabi.
muli niyang kinapa ang takot sa dibdib para sa mga lalaki, pero animo nawala at nabura ang lahat ng yun, at bumalik sa kanyang alaala ang napakagwapong mukha ni david ang kulay asul nitong mata.na tumutunaw sa kanyang pusong puno ng takot. sa tuwing tinititigan siya nito.
iwan pero ang dating takot ay naging napakagandang alaala para sa kanya.
bigla siyang nakaramdam ng kilig.
kilig? parang ngayun lang siya naging ganon.
pero dapat ba siyang kiligin? wala naman sa plano niya ang mag asawa, ang gusto lang naman niya ay magkaanak. magkaroon ng magaalaga sa kanya pagtanda niya.
yun din kasi ang madalas na sinasabi ng kanyang ina sa kanya.
biglang nakaramdam ng lungkot si celestine ng maalala ang kanyang ina.
mabilis ang naging kilos niya. dinampot isa isa ang nagkalat niyang kasuotan sa sahig.
at mabilis na nagbihis.
napapabuntong hininga pa siya bago isinukbit ang bag sa kanyang balikat,
aalis na sana siya ng mapansin ang isang papel na nasa side table ng kama,nilapitan niya iyon at kinuha.
nagulat siya sa nakita, isa iyong cheque, may nakalagay doon kung magkano ang halaga nito.
hindi sana niya iyon kukunin pero may maliit na papel pa itong kasama.at may nakasulat na "TAKE IT,AND USE IT".
nanlaki ang kanyang mga mata.
"aba at talagang,ginawa pa kung bayaran ng lalaki iyon,anong tingin niya sakin bayaran?". naiinis na kausap niya sa sarili.
anyway hindi narin naman sila magkikita. malaking tulong na din iyon sa kanya kung sakaling mabuntis siya at magkaanak. pwede na siyang makabili ng isang lupain sa halagang nakasulat sa cheque na yun.
pangarap kasi nyang makabili ng isang farm, magkaroon ng tahimik na buhay., magtanim ng mga punong namumunga, mag-alaga ng mga hayup, magtanim ng mga gulay at halamang namumulaklak,
gusto niyang magkaroon ng isang maliit na flower shop. at ang mga bulaklak na ibebenta ay magmumula sa kanyang flower farm. at sa halagang naipon niya ng mangibang bansa ay kukulangin iyon.
kaya malaking tulong ang maibibigay sa kanya ng halagang iniwan ng lalaking iyon sa kanya.
mabilis niyang inilagay iyon sa dalang bag at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.
PAG-dating sa motel kung saan siya nakatuloy,mabilis niyang inayos ang kanyang mga gamit, nakapagpasiya kasi syang umuwi na ng probinsiya. siguradong matutuwa ang kanyang ina pag nakita siya nito.
medyo malayo layo din ang kanyang lalakbayin bago makarating sa bayan kong saan siya lumaki.
kaya bawat kilos niya'y may pagmamadali, at tuluyan na rin niyang iwinaksi sa isip ang lalaking nakasama kagabi.
alam niyang kahit kailan hindi na sila magkikita pa nito.
nang matapos sa kanyang ginagawa ay mabilis na din niyang nilisan ang kwartong iyon.
bumama sa may lobby ng motel at nag check out.
matapos ay mabilis na lumabas ng gusaling yun.
nag abang ng bus na nagdaraan, malapit lang kasi sa high way ang motel na yun kung saan siya tumuloy.
nang may makitang bus na paparating at may naka sign na "cubao" mabilis niya iyong penara,.. alas nuebe palang ng umaga ng mga sandaling yun pero subrang init na ng sikat ng araw, pakiramdam niya'y masusunog ang kanyang balat, medyo nanglalagkit na din siya, kahit kakaligo lang naman niya. subrang ingay ng paligid, busina ng mga sasakyan at kong ano ano pa.
ah hindi siguro niya gugustuhing manirahan sa maynila. kong noon ay gustong gusto niyang pumunta dito, para magtrabaho pero ngayun ay wala na sa kanyang isip iyon.
gusto niyang manirahan sa isang tahimik na lugar kasama ang kanyang magiging anak.
Huminto sa kanyang harapan ang bus na kanyang pinara kaya mabilis siyang sumakay doon, mabilis din siyang tinulungan ng kondoctor upang maisakay ang kanyang dala-dala. nakanahap agad siya ng mauupuan malapit sa may bintana. mabilis syang naupo roon.
pinagmamasdam ang lahat ng gusaling nadadaanan ng bus na kanyang sinasakyan.
at habang tumatakbo ang bus na kanyang sinasakyan at tumatakbo din ang kanyang isip.
kaya hindi niya namalayan na nasa cubao na pala siya. nabalik lamang ang kanyang isipan sa kasaluyan ng marinig ang sigaw ng condoctor ng bus.
"cubao,,,,,cubao..... cubao,sinong bababa dyan?".narinig niyang isinisigaw ng condoctor.
"manong para po,".
mabilis siyang tumayo tinulungan siyang muli ng condoktor upang maibaba ang kanyang dala.
pag baba ng bus, sakto namang may biyahe ng patungo sa kanilang probinsiya.
mabilis ang naging kilos niyan ayaw niyang maiwan.dahil sa dami ng pasaherong nandoon. baka mag standing pa siya sa loob ng bus pag nagkataon kakaunti pa naman ang biyahe papunta sa lugar kong saan siya pupunta.
nakasakay ng maayos si celestine.
"hay salamat.,"..aniya sa sarili na parang hapong hapo. pawis na pawis na siya. kaya napakalaking pasasalamat niya ng aircon ang nasakyang bus.
Nakarating sa probinsiya si tin, pilit na binura sa kanyang alaala si david.
subrang ang saya ng kanyang ina ng makita siyang pababa ng bangka sa aplaya. tabing dagat lang kasi ang kanilang tirahan.
mabilis na sinalubong siya nito ng yakap.
"bakit hindi ka nagsabing uuwi kana pala anak, di sana na sundo ka man lang namin, kailang ka dumating?". sunod sunod na tanong nito
natuwa at napatawa sya sa kanyang ina. marahil ay subrang namimiss na talaga siya nito.
"ma,isa isa lang ho ang tanong mahina ang kalaban.". pagbibiro niyang sagot dito.
"oo nga naman ma, ." sabat naman ng kapitd niyang lalaki.
"te san na pasalubong ko,?" singit naman ng isa niya pang kapatid na lalaki.
"pasalubong agad ang hinahanap niyo, alam niyon kakarating palang ni ate niyo.". sabi naman ng kanyang ama.
" oh hala sige halika na at ipagluluto kita ng masasarap na pag kain, kung nagsabi ka man lang sana aba ie di sana ay nakapaghanda kami., ,". kinuha ng kanyang ina ang dala dala niyang bag.
"sige po". napangiti siya. ito yung namimiss niya sa probinsiya yung kahit mahirap ang buhay mayron naman silang masayang pamilya.
ngunit hindi niya magawang manirahan doon, dahil nandoon ang taong muntik ng sumira ng buhay niya.
"tamang tama anak. marami kaming nahuling isada kagabi may alimasag at sugpo pa nga ". ang kanyang ama.
" talaga ho pa.,wow, namimiss ko na po ang mga pagkain dito sa atin, puro manok po kasi ang inuulam ko sa saudi.kulang nalang magkapakpak na ko.". aniyang tumawa pa sa sarili niyang biro.
subrang gaan at saya ng kanyang pakiramdam kahit na pagud siya s a biyahe kong ganito naman ang sasalubong sa kanya.
binuhat na ng mga kapitid niya ang iba pa niyang dala at pumasok na silang lahat sa kanilang munting tahanan.
hindi matapos tapos na kwentuhan. kumustahan, habang ang kanilang ina ay masayang nag luluto ng kanilang hanapunan.
NAGING masaya ang bawat araw kay celestine na kasama ang pamilya. panandaliang nakalimutan ang tungkol kay david.
" kailan ka mag aasawa anak,? aba tumatanda kana,hindi ka bumabata.?".
tanong ng kanyang ina.
bigla siyang nasamid at muntik ng mabilaukan sa kanyang kinakain.
mabilis niyang kinuha at ininom ang tubig na nasa baso malapit sa kanya.
kumakain kasi sila noon ng pananghalian.
"ma, darating din ho tayo dyan.".sagot niya ng makabawi sa pagkakasamid.
"kailan pa anak, matanda na kami ng papa mo,gusto sana naming makita man lang ang magiging manugang at mga apo namin sayo bago magpantay ang dalawa naming mga paa.". ang kanyang ina.
napabuntong hininga si tin.
" oo nga naman te, matanda kana kaya, baka mamaya maunahan kapa naming magasawa ni bunso.". sabat ng kapatid niya.
" bakit,? 29 palang naman ako ah.". pagtatagol sa kanyang sarili.
" anak, mas maigi yung magkaroon ka ng anak.ng sa ganun may mag aalaga sayo.".ang kanya uling ina.
"hayaan niyo po ma, maghahanap na ko ng lalaking mangbubuntis sakin.". pabiro niyang sabi at sinabayan ng mahinang pagtawa.
'" hayaan mo na muna yang anak mo, bata pa naman siya." sabat ng ama habang patuloy ang pag subo nito ng pagkain.
"o sya basta bilisan mo na anak, wala tayong lahing matandang dalaga.". pagtatapos nito sa usapan.
"si mama talaga." tangi na lamang niyang nasabi.
MABILIS na lumipas ang isang buwan,. ang bilis ng araw isang buwan na pala siyang nasa probinsiya. at isang buwan narin ang nakakalipas simula ng makilala niya si david.
biglang may nadamang lungkot si tin. bakit ganun yung nararamdaman niya. bakit namimiss niya ito. ie ni dindi nga niya alam ang tunay na pangalan nito.
isang buntong hininga ang pinakawalan niya sa alalahaning iyon.
ang balak niya sa susunod na buwan ay luluwas siya ng maynila.
darating na ang kanyang best friend na si mimi galing saudi.
tumawag ito sa kanya ng nakaraang araw para ibalita na pauwi na ito ng pilipinas.
ang saya nga niya ng malamang pauwi na rin ito sa wakas, gusto kasi niyang sabihin dito lahat ng nasa loob niya, lahat ng nararamdaman niya at lahat ng nagyare sa buhay niya. ito lamang kasi ang alam niyang pwede niyang pagsabihan ng nasa loob niya .
at balak din niyang maghanap ng lupang pweding bilhin sa tagaytay. doon niya kasi naisip na tumira, hindi naman sa ayaw niya sa probinsiyang kanyang kinalakihan pero gusto niya ng bagong lugar,ng bagong buhay. bagong mga kapit bahay, bagong mga kakilala, simula't simula pa lang naman ay independent na siya sa magulang.
kaya alam niyang maiintindihan siya ng mga ito.
at isa pa. malamig sa tagaytay at tahimik. hindi masyadong malayo sa kabihasnan. di gaya ng kanilang lugar. napakaliblib. kung magnenegosyo sya sa lugar nila'y siguradong walang mangyayare.