"simple lang ang magiging kasal natin, hindi rin naman kasi yon magtatagal.," panimula ni david ng usapan.
awwts ang sakit naman ng sinabi ng lalaking ito. tama ba naman na ganun ang maging bungad nito sa usapan. lalo na at kasal nila ang paguusapan nilang dalawa.
"okay lang naman sakin kahit kunti lang ang bisita, wala namang nakakaalam isa man sa pamilya ko na ikakasal na ko, at wala din silang alam na may anak na ko.".
buti nalang talaga marunong managalog ang allien na to, kung hindi lagi nalang duguan ang ilong niya.
" anyway, wala din naman akong magiging bisita. ayaw kong may ibang makaalam ng kasal natin.".
" sure, walang problima yun sakin.".
nahinto ang sasabihin niya pang iba dahil dumating na ang i-norder nila.
nangmailapag sa misa ang pagkain ay walang sabi sabing kinain niya kaagad yon gusto na niyang umuwi,.wala din naman patutunguhan ang usapan na yun. sayang lang ang magandang ambiance at lugar.
nakita niyang nakatingin ito sa ginawa niya.
" slowly, baka mabilaukan ka.,".
at ayon na nga nabilaukan siya. pakialamiro kasi to. hindi naman talaga sana siya mabibilaukan ie.
mabilis na inabot ang juice at tinungga niya ng deretso para mawala ang nakabara sa kanyang lalamunan.
" why are you in a hurry? mahaba pa ang oras.".
"nothing nagugutom lang talaga ako.". sagot niya.
tiningnan lang siya nito at ayon nanaman ang kilay ng lalaki salubong nanaman.
sabagay gwapo parin naman to. lalo na at maganda ang mata na kulay asul.
matapos kainin ang pagkain sa harap niya, nakatingin lang siya sa kaharap. mabagal ang pag kain nito at pagnguya. parang siya tuloy yung naiinip. sympre hihintayin niya pa itong matapos.
" nga pala,tutal naman lahat ng gusto mo ang kailangan nating gawin, so ikaw na bahala sa lahat, agree nalang ako, kaya wala kang dapat ipagalala,". aniya dito.
napahinto ito sa pagsubo.
kinuha ang napkin sa harap at pinunasan ang nguso.
"yeahh.. thats what i want., after our wedding you and the kids move in to my house.".
" may magagawa pa ba ko? diba wala naman.gaya ng sabi ko noon, wala ka namang binibigay na choices.so hindi ko na kailangan pang mamili.,".
"thats good.,. wala na tayong magiging problima.".
" tawagan mo nalang ako kong may mga bagay kapang gustong sabihin about sa magiging sit up natin. at alam mo namang busy ako sa shop., ".
" sure, ako ng bahala sa lahat, i already set the date and time of our wedding,. even the location. "
" do whatever you want.". sagot nya at bumuntong hininga.
dumukot ito sa likod ng pantalon,naglabas ng dalawang libong peso at ipinatong iyon sa mesa.
"lets go". sabi nito at tumayo na.
ganun lang yon, ganun lang kadali. sayang talaga ang lugar na yon at ang perang nagastos nila sa food. hindi inubos ni david ang food nito.
ang mahal pa naman non.
may panghihinayang sa kanya, pero hindi naman niya pera yon.
iba talaga pag maraming pera.
kinuha niya ang bag na nasa kanyang likuran bitbit iyon sumunod na siya kay david.
wala silang naging imikan ni david habang papauwi. dadaan daw ito sa kanila para makita ang kambal.
nakilala na ni gani at bella ang ama, kitang kita niya na subrang saya ng dawalang bata. lalo ng malamang magiging buong pamilya na sila.
kung pwede lang niyang sabihin sa mga ito na dalawang taon lamang iyon.sana ginawa na niya. ayaw niyang makitang malungkot ang mga anak kaya sa ngayun hahayaan na muna niyang maging masaya ang mga ito.
bahala na si batman pag dumating ang araw na matapos na ang masasayang araw niya.
gising pa ang kambal ng dumating sila ni david sa bahay. at gaya ng inaasahan ay masayang masaya ang kambal na makita si divid.
mabilis na yumakap at nagpakarga si bella. ganun din si gani.
walang gustong magpalamang.
nakita niya ang napakatamis na ngiti ni david. at ni minsan hindi nito nagawa sa kanya.
napabuntong hininga siya habang nakasunod sa magaama niya.
kung may ibang taong makakakita sa kanila siguradong iisipin ng mga itong napakasaya at perfect ang pamilyang mayron siya.
pero gaya nga ng sabi niya gusto niyang kalimutan muna lahat ng alalahanin at namnamin nalang muna ang magandang nangyayare sa buhay nilang magiina.
hinayaan niyang makipaglaro si david sa mga anak, at ng mapagud na ang mga ito at makatulog sa kandungan ng ama habang nanonood ng tv ay binuhat niya si bella. si david naman ay binuhat si gani. ipinasok nila sa kwarto ang mga bata.
" do you want some coffee before you leave?" alanganing tanong niya dito.
" sure,.". maikling sagot nito. atleast hindi nagsalubong ang kilay nito.
nagpunta sa sa kusina at nagtimpla ng kape. dala ang dalawang tasa ng kape lumabas sa kusina si celestine patungo sa labas ng bahay kung saan naroon si david. nakita niya itong nakatilanga sa langit at pinanonood ang mga bituin sa langit.
ipinatong niya ang tasa ng kape sa mesang nanduon.
at hinayaan ang sariling pagmasdan ang likuran ni david. kahit madilim at tanging liwanag lamang ng ilaw na nagmumula sa ilaw sa kanto ang nagsisilbing liwanag nila ay kitang kita niya ang lungkot sa mukha ng lalaki.
bakit bigla siyang nakaramdam ng awa dito. hindi niya maintindihan ang sarili.
napakaarogante ni david. laging salubong ang kilay.
kanina nga lang niya ulit nakita ang matamis na ngiti nito, bukod ng araw na makita niya itong kasama ang kasintahan nito sa kasalang kanilang dinaluhan sa batangas.
sana dumating din yong araw na siya naman ang ngingitian nito ng matamis.
nahinto sa pagmumuni muni si celestine ng marining ang tinig ni david
nakatingin na pala ito sa kanya. kaya naman huling huli siya nito na nakatingin dito.
nakaramdam siya ng hiya.
" why are you staring at me.?". tanong nito sa kanya.
hindi siya makasagot.sa tanong nito.
" coffee is here.," sabi na lamang niya.
lumapit naman ito at naupo sa kabilang side.
kinuha ang tasa ng kape at uminom ng kunti habang nakatitig sa kanyan.
natetense tuloy siya. hito nanaman kasi ang lalaking to.
kung makatitig sa kanya akala mo nahuhubaran siya.
o sadya lang talga siyang ambisyusa