subrang bilis ng mga pangyayare. para lamang siyang pumikit at pag dilat ng kanyang mga mata ay tapos na.
oo tapos na ang kasal nila ni divid,ganun lang kabilis.
at ngayun hito na sila, nasa honeymoon.
nakaupo siya sa lobby ng hotel kong saan sila nakacheck ni david. kung siya lang sana ang masusunod ayaw niya ng honeymoon na yon.
palinga linga ang kanyang mga mata. napakaganda ng hotel na yon.
pero parang hindi niya kayang maappreciate ang bagay na yon.
hindi iyon pangkaraniwan lamang. dahil isa itong mamahaling hotel na kanyang napasukan.
kung ang kasal nila ay hindi man lang pinaghandaan, ang honeymoon naman nila ay bungga.
hindi niya maintindihan si david kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito.
nakita niya kinawayan siya nito. kaya naman tumayo na siya sa kinauupuan at akmang hihilahin ang traveling bag na dala.
ngunit may isang lalaki ang lumapit.
at kinuha ito sa kanya. yumuko pa nga ito bago kinuha ang bag.
nakauniform ito gaya ng iba pang stuff ng hotel na yon.
kaya hinayaan na lamang niya ito.
wala parin silang imikan ni david habang nasa elevetor.
mula pa kanina ng ginaganap ang kanilang kasal, never syang inimik nito.
kung hindi kailangan ay hindi siya nito kakausapin.
parang feeling nga niya napanisan na siya ng laway.
kong sana ay kasama nalang nila ang mga bata. malamang maeenjoy pa niya ang bakasyon na yon. ang magandang lugar na yon.
oo bakasyon, dahil para sa kanya hindi yon matatawag na honeymoon.
bumukas ang elevetor kung saang palapag ang kanila hotel room.
naunang lumabas ang stuff ng hotel dala ang mga gamit nila.
sumunod dito si divid,nagpahuli talaga siyang lumabas.
sinundan lamang niya ito at huminto sa isang kwartong naroon.
inisip niyang baka ihahatid muna siya nito sa kwartong para sa kanya.
expected na kasi niyang magkahiwalay sila ng kwarto.
mas gusto din naman niya ang idea na yon.
nang mabuksan ang kwarto kong saan sila magsstay. ay pumasok na si divid kaya sumunod siya dito.
nakamamangha ang laki ng kwartong iyon.
subrang ganda. para lang itong kasing laki ng bahay nilang magiina.
maya maya pa ay nagpaalam na ang stuff na naghatid sa kanila.
"hindi ka pa ba pupunta sa room mo.?" tanong niya dito.
nangunot ang noo nito sa tanong niya.
"what did you say?".
" i said are you not going to your own room?" ulit niya.
"are you kidding me?". salubong ang kilay na wika nito.
bigla siyang kinabahan. ibig bang sabihin nito ay magkasama sila sa kwartong iyon.
" i mean, we have defferent room right?". aniya dito.
" no, we gonna stay in this room together, we are married anyway and we are here for our honeymoon.". sabi nito at kinuha ang bag kung saan nakalagay ang gamit at isa isa iyong inilabas at inilagay sa cabinet na naroon.
"wag mo sabihing magseshare tayo dito sa room.?" tanong niya dito sa nanlalaking mga mata.
"yes,why not this room is big. what did you expected?".
"patay na". bulong niya sa sarili.
" did you say something?". lumingon ito sa kanya .
"nothing". maikling sagot niya.
subra subra ang kabang kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.
ang isipin palang na magkasama sila ni david mula pa kanina.
tapos ito magkasama pala sila sa kwartong yon. san siya matutulog.
kahit malaki ang kamang naroon, ayaw niyang magisip na magtatabi sila ng asawa sa pagtulog.
mabilis siyang lumabas sa may balcony ng kwarto.
iniwang nag aayos ng gamit si david.
biglang naglaho ang kung ano mang kanyang iniisip ng mga sandaling yun.
namimilog ang kanyang mga mata at inilibot ang paningin sa napakagandang tanawin.
mula sa kinaruruonan niya. ay kitang kita nya ang napakaputing buhangin sa gilid ng beach,may mga puno ng palm trees na nakahirera, ang napakagandang kulay asul na tubig. kumikinang iyon dahil sa tama ng sikat ng araw. ang mga maliliit na islang animo mga sundalong nakatayo sa gitna ng dagat.
naipikit niya ang kanyang mga mata at kayang dinadama ang napakasarap na simoy ng hangin.
halos kalahating oras din siyang naroon bago nagpasyang pumasok na sa loob.
at gaya kanina ng makita ang magandang tanawin sa may balcony ganoon din ang naging reaction niya ng mga sandaling yon.dahil isang magandang tanawin din ang bumulaga sa kanya pag pasok niya.
paano ba naman. pagpasok niya,siya namang paglabas ni divid sa banyo.
muntik pa siya mapalundag sa gulat.
nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa katawan nito. mamasa masa pa iyon dahil sa tubig na pumapatak galing sa basa pa nitong buhok.
pababa ang kanyang mga mga sa flat na tyan nito. pababa sa maliit na puting tuwalyang nakatakip sa kasilanan nito.
hindi niya napigilan mapalunok.
" tapos kana ba sa ginagawa mong pagmamasid sakin.?" narinig niyang wika ni david
at dahil doon ay biglang namula ang kanyang pisnge sa subrang kahihiyan.
hindi niya malaman kong anong gagawin.
dahil sa kalituhan napabalik siya sa balcony.
" napakabobo mo talaga celestine". aniya sa sarili at kinutusan pa ang kanyang noo.
"nakakahiya". napapakagat labi pang bulong niya.
kung bakit kasi ganon lamang ang suot nito.
kahit naman sinong babae ay siguradong mapapatitig dito.
.
.
.
.
.
.
"pwede kana magshower, im done".
"ay kabayo mo,tumalon.?" aniya sa gulat ng bigla nanaman itong sumulpot sa kanyang likuran.
papatayin talaga siya ng lalaki ito.
nakita niyang ngumiti ito dahil sa naging reaction niya.
"im sorry kong nagulat kita, masyado ka yatang madaming iniisip"sabi niya at may pilyong ngiti sa labi.
nakasimangot na iniwan niya ito sa balcony at pumasok sa loob ng kwarto kumuha ng bihisan at pumasok ng banyo.
.
.
.
.
.
.
.mga katok sa banyo ang nagpabalik sa kanyang diwa nakaidlip na pala siya habang nakababad sa maligamgam na tubig sa bathtub.
"matagal kapa ba dyan?". boses ni david.
"why?" maikling tanong niya.
" were going to the beach. nagpareserve ako ng dinner sa tabi ng dagat, its 7pm already.".
bigla siyang napatayo sa bathtub,hindi niya akalaing subrang tagal na niya sa ganoong posisyon.
mabilis ang naging kilos niya.
paglabas ng banyo.
ang kunot na noo ng kanyang asawa ang bumungad sa kanya.
tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.
kaya naman ginaya niya ang ginawa nito.
bakit okay naman ang suot niya ah.
nakajogging pants at t shirt na nakatack in ang suot niya.
"magjojogging kaba?". tanong nito.
"hindi, sabi mo kakain tayo.". sagot niya.
" are you stupid or what?". naiiritang tanong nito.
" bakit ba anong problima sa suot ko, maayos naman diba.?".
"magdress ka. i will give you 5 minutes.".
"huh?.... naguguluhang tanong niya.
"now!!!!!!!......".
"oo na, grabe ka ha.". nakasimangot na sagot niya.at nagmamadaling kumuha ng dress at bumalik ng banyo para magpalit ng damit.
buti nalang pala nagdala siya ng dress.
my gadddd.
.
.
.
.
matapos makapagpalit lumabas syang muli sa banyo.
"now happy?". bungad niya dito.
iwan ba niya nakita niya sa mga mata nito ang paghanga sa kanya.
pero bigla ding naglaho yon.
"okay lets go.". sabi nito.
"yon lang talaga,wala man lang papuri"bubulong bulong at
nagmamadali niyang kinuha ang shoulder bag at sumunod sa Asawa.