* * Hazel's POV * * After 1 hour and 20 minutes ay dumating kami sa El Nido, Palawan, at sa Miniloc Island Resort kami dumiretso lahat para mag-check-in sa room ng bawat isa. "Ang bongga talaga ni fafa Neil," masayang wika ni Baks nang makapasok kaming tatlo sa kwarto namin at dumiretso ito sa may malaking bintana na may table sa labas kung saan ay puwede kang tumambay at mag-relax dahil mula dito ay tanaw ang magandang karagatan at ang malaking swimming pool sa harap. "Tara na, mga girl, nandoon na yung iba sa dagat. Naku, ang daming fafa," malanding wika ni Baks sabay hila kay Danica palabas. "Hoy bakla, yung mga gamit natin hindi pa naayos," hiyaw ni Danica kay Baks. "Sige, Danica, ako na mag-aayos. Samahan mo na yan malanding baklang yan," hiyaw ko kay Danica. "Thank you, girl. S

