* * Hazel's POV * * Pagkadating ko sa loob ng kwarto namin, agad kong sinarado nang padabog ang pinto. Shit, Hazel, anong nangyayari sa'yo? Bakit kada halik niya sa'yo, tumutugon ka? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Bulong ko sa sarili habang hawak ko ang dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng t***k nito. "Beshie, are you okay?" takang tanong ni Danica sa akin nang lumabas siya mula sa banyo. Naka-upo naman si Baks sa may long couch. Hindi ko napansin na nandito pala sila loob dahil sa pagmamadali ko. "Anong nangyari sa'yo, girl?" tanong din ni Baks sa akin. Lumapit ako sa kama at naupo doon, kaharap si Baks. "Nakita ko kasi si Gabriel sa labas," mahinang wika ko kaya napa-upo sa tabi ko si Danica. "Really? Anong sabi? Nag-usap kayo?" tanong sa akin ni Danica. "Wala naman, nagkumus

