* * Hazel's POV * * Umayos ka, Hazel, hindi mo dapat nararamdaman ito. Bulong ko sa aking isip habang naglalakad ako pabalik sa kwarto namin. Hindi ko kasi alam kung bakit nakakaramdam ako ng selos nang makita ko si Mr. Weird Arrogant na magkasama sila ni Alexa at nakahawak pa talaga si Alexa sa braso niya. "Ang hirap namang hanapin si Fafa Vin kung saan siya naka-stay dito," iritableng wika ni Baks kay Danica nang makapasok ako sa kwarto namin at naabutan ko silang dalawa na mukhang kakabihis lang ng pang-swimming. "Oh, beshie, nandito ka na pala. Tara, swimming na tayo sa dagat," pagyayaya sa akin ni Danica. "Kayo na lang," walang kabuhay-buhay kong sabi sa kanya. "Alam mo, girl, kahapon ka pa namin niyayaya mag-swimming pero ayaw mo. May balak ka pa bang mag-swimming?" mataray na w

