* * Kevin's POV * * Nasa Big Floating Cottage kami nina James at Neil, kung saan kami tumutuloy simula nang dumating kami dito sa Palawan. Ang floating cottage na 'to ay parang isang bahay na rin dahil may tatlong kwarto ito sa loob. "Shiiit..." galit kong sigaw sabay tapon ng bote ng alak sa dagat. "F**k bro, ang aga-aga, init na agad ng ulo mo ah," sabi ni James. "Hindi kasi makamove on sa pag-uusap nila ni Ms. Brave kahapon," natatawang sabi naman ni Neil. "Come on, bro, parang hindi mo naman alam ang mga babae ngayon. Hindi uso sa kanila ang virgin. Kung may matitikman ka mang virgin, aba, suwerte ka na noon," seryosong sabi ni James. Nakuwento ko kasi sa kanila ang tungkol sa pag-uusap namin ni Ms. Brave kahapon. Hanggang ngayon, naiinis pa rin ako sa mga nalaman ko tungkol sa k

