ILANG oras din ang ginugol ng dalawa sa loob ng mall. Ibinili din ni Jayden ng mga gamit si Fiona at Tita Kyla nito kahit tumatanggi ang dalaga. Mula damit, sapatos, bags at accessories na puro branded. Matapos nilang kumain, mamili ng mga gamit na ipinababa sa mga bodyguard ni Jayden na nasa paligid lang nagmamasid ay naglaro pa ang mga ito sa arcade ng mall bago nanood ng cine kahit silang dalawa lang ang tao. Pasado alasdyes na ng gabi nang makarating sila sa tapat ng bahay nila Fiona. Tahimik na ang paligid at karamihan sa mga bahay na nakahilera doon ay nakapatay na ang mga ilaw. Kaya medyo madilim na sa paligid na tanging ang mga street lights ang nagbibigay liwanag sa daan. "Baby?" "Hmm?" Napalingon si Fiona na tinawag siya ni Jayden. Napapikit ito na sinalubong ni Jayden n

