PALAKAD-LAKAD si Fiona na napapasuklay sa nakalugay nitong alon-alon na buhok. Naka-dress at ayos na kasi ito para sa party ni Jayden pero biglang inatake sa puso ang kanyang Tiyahin na kinailangan nilang dalhin sa hospital ng sundo nitong si Alvin na personal driver ni Jayden. Nakakagat nito ang ibabang labi na hindi mapakali habang inaasikaso sa emergency room ang Tiyahin. Sa pag-aalala nito sa kalagayan ng Tita Kyla nito ay nawala na sa isip na ngayong gabi ang birthday party ng nobyo. "Ma'am, tissue po." Magalang saad ni Mang Alvin na inabutan ng tissue ang dalaga. "Salamat po, Kuya." Sagot ni Fiona na paos na rin ang boses sa kakaiyak nito kanina pa. Sabay silang napalingon sa may pinto na bumukas iyon at lumabas ang nurse na palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Kaagad na

