NANGUNOTNOO si Fiona na maramdamang tila may humahalik sa kanya sa buong mukha lalo na sa mga labi nito. Damang-dama niya ang mainit at mabangong hininga nito na tumatama sa kanyang mukha. At ang malambot nitong mga labi na dumadampi sa balat niya lalo na sa kanyang mga labi. "Uhmm," mahinang ungol nito na bahagyang kinagat ang ibabang labi nito. Dahan-dahan itong nagdilat na napakusot-kusot pa ng mga mata. Mas lalo namang nagsalubong ang mga kilay nito na wala namang ibang tao sa silid. "Ang weird. O baka dahil. . . masyado ko lang iniisip ang mga namagitan sa amin?" usal nito na napahaplos ng ibabang labi. Naipilig nito ang ulo na maramdamang namamasa pa ang kanyang labi, tanda na may humalik sa kanya. Naigala nito ang paningin sa paligid na pinakiramdaman kung may ibang tao ba doon

