NANGINGITI si Jayden habang pinapanood si Fiona na nakikipaglaro ng volleyball sa may buhanginan. Nakaupo silang magkakaibigan sa bench wood sa gilid na nakamata sa kanilang mga partner. May tuwa sa puso nito na nakikitang nakikipagsabayan si Fiona sa mga dalagang partner ng mga kaibigan nito. Nakikipagharutan at tawanan na parang mga malalapit na silang magkakaibigan. Ibang-iba sa nerd na Fiona na mag-isa palagi at binu-bully dahil sa itsura nito. "Senyosohan na ba ito, dude?" nanunudyong tanong ni Jello na inakbayan si Jayden. Maging si Xian at Luigi ay napalingon na rin kay Jayden na nagtatanong ang mga mata. Napailing si Jayden na tinungga ang beer nito. "Let's stop this game, guys. Seryoso ako kay Fiona. Ayoko siyang masaktan." Sagot nitong ikinasinghap ng mga kaibigan. "Gus

