PULANG-PULA ang mukha ni Fiona na nakukurot sa hita si Jayden na katabi nitong nabisto sila ng Tita nito. "Fiona naman. Hindi ba't kahapon lang kayo nagkalapit ni pogi?" bulalas ng Tiyahin nito na pinandidilatan ng mga mata ang dalaga. Napasinghap ito na kinuha ni Jayden ang kamay nito na pinag-intertwined ang mga daliri nilang ikinakurap-kurap ng Tiyahin ni Fiona. "Ma'am, sa panahon ngayon ay hindi na po mahalaga kung gaano na kayo katagal magkakilala. As long as you both love each others po. Katulad namin ni Fiona. Tama naman po kayo na kakakilala lang namin ni Fiona, pero sa puso ko po? Mahal na mahal ko po siya. Alam ko iyon. Kasi dama ko sa puso ko. Na sinasang-ayunan ng isipan ko." Wika ni Jayden na matiim na nakatitig sa mga mata ng ginang. Napahinga ng malalim ang ginang na

