Normal lamang na nakatingin ako kay Winjorell. Ibig sabihin ay hindi siya ang totoong Winjorell at nanggagaya lamang. Kaya pala kanina ay hindi man lang siya nagulat sa akin nang makita na maaga ako ngayon. Pakiramdam ko ay naramadaman na ng diyablo na maaga ako rito ngayon at mag-isa lang ako kaya naisip niya na ito na ang tamang pagkakataon niya para maangkin ang katawan ko. Mukhang hindi niya alam na may inilakad ako kagabi at may armas na ako pang-laban sa kaniya. No wonder, he doesn’t have the same vibe and aura like the real Winjorell have. Ngumiti naman ako sa kaniya para hindi siya magtaka. Bigla ay naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko. Habang nagpupunas ako ng pawis ay pasimple kong tinignan kung sino ang nag-text sa akin pero hindi ko inalis sa paningin ko ang diyablo. Hind

