Chapter 56

2934 Words

Ikinagulat ko naman ang sinabi niyang iyon lalo na at wala akong maisip na dahilan kung paano niya nasabi na nalalapit na sa demonyo ang kaluluwa ko. “Pero wala naman akong ginagawang masama o malala. Wala akong nasasaktan na tao physically at wala akong inaagrabyado kaya imposible ang sinasabi mo. Ako ang bigla na lang ginugulo ng mga kaluluwa na namatay na ‘yon,” sagot ko. Napakunot pa ang noo ko dahil hindi ko talaga matanggap na nasabi niya iyon sa akin. “Kumalma ka muna, Scarlett,” sabat ni Albeles pero hindi ko siya pinansin. “Hindi mo pa rin ba natatanggap sa sarili mo na may kasalanan ka sa mga namayapa na kakilala mo ‘yon? Anim na ang nawala sa mundong ‘to at nagawa mong ikulong sa kwintas na suot mo ngayon. Hindi mo pa rin ba naiisip ngayon na kaya ka nilalapitan ng iba’t-iban

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD