Pinanood ko kung paanong nagbago ang anyo niya ngayon sa harapan ko. Hindi ko na maipaliwanag kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Napupuno na ako ng takot, kaba at hindi ko na malaman kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Matapos lumuwa ng mata niya at lumaylay ng dila niya ay buong katawan at mukha niya ay nagbago. Mas naging nakakatakot at nakakadiri na siya ngayon. Tumutulo pa ang dugo mula sa bibig niya at bigla ay. naglabasan ang mga buto sa katawan niya hanggang sa naging kalansay na siya. Bigla ay umikot pa ang ulo niya hanggang sa bigla itong humaba at papalapit na sa akin! “God, please save me!” sigaw ko. Hindi ko na inisip pa ang kung ano ang mangyayari sa akin kung sakali na may makakita sa nangyayari sa akin ngayon kahit na ang nakikita naman nila ay walang ibang tao sa pali

