Chapter 6

2566 Words
Arriz Parker: Hey, are you busy right now? Arriz Parker: Can we talk? You're so cold to me after our meet up. Is something wrong? Can you please tell me? Arriz Parker: Scar? Are you there? I miss you. Arriz Parker: We're just fine the other day, but since yesterday I feel like you're not interested in me anymore. Nakakainis ang kakulitan ni Arriz sa messenger ko. Naka-mute na siya sa akin ngayon. Paano ba naman noong kumakain kami sa Mcdo sa Tagaytay ay kung ano-ano ang sinasabi niya about sa pagkain ko ng fries. Inalok ko lang naman siya kumain pero sabi niya ayaw niya dahil daw sa calories at baka magkasakit pa siya tapos ang komplikado na ng sinabi tungkol sa fries. Hindi ko naman akalain na sa sobrang talino niya ay ganoon pala siya. Hindi ko trip ang mga ganoong klase ng lalaki. Simula no'n ay nawalan na ako ng gana sa kaniya. Pati kahapon na nagsabi ako ng joke sa kaniya ay sineryoso niya at may explanation rin siya na sobrang lalim. He became so weird that I cannot handle him anymore. May bago na ulit akong nakakausap. His name is Rico and he's also attending the same school as Arriz. Tinutumalan ko na si Arriz para naman mahalata niya na hindi na talaga ako interesado sa kaniya. Sayang, gwapo pa naman sana. Pero sa sobrang talino niya ay hindi na siya marunong sumakay sa mga trip ko. In short, hindi kami same vibes. Tapos mas matangkad pa ako sa kaniya at mas lalong ayoko naman no'n dahil mas maganda tignan kung mas matangkad sa akin ang magiging boyfriend ko. Isa pa, minsan lang rin magka-time sa akin si Arriz dahil mas madami pa siyang oras sa paglalaro niya kaysa kausapin ako. Rico Dalantt: Hey, are you free today? May laro kasi kami later sa school and I am just asking if you want to support me. Napa-isip naman ako sa chat sa akin ni Rico. He's also a online gamer, same as Arriz. Ang pinagkaiba lang ay mas may oras sa akin si Rico kaysa kay Arriz na adik na adik na talaga sa laro. May online tournament sila ngayon sa school nila at sa pagkakaalam ko ay kasali rin doon si Arriz. Since Saturday naman ngayon at wala akong classes ay naisipan kong pumunta sa school nila. Scarlett Buenavidez: Sure thing, I will come later to support you! Rico Dalantt: Really? Then I will pick you up later sa gate or do you want me to get you to your house? Scarlett Buenavidez: Sige, sunduin mo na lang ako dito sa bahay. What time ba ang tournament niyo? Rico Dalantt: It will start at four in the afternoon. I will come to pick you up at three, is that fine with you? Or should I just wait for your text if you're ready? Scarlett Buenavidez: Come here at three. I'll send you my address. It's already one in the afternoon at tapos na rin naman akong kumain ng brunch so magre-ready na ako dahil mabagal akong kumilos. Bigla ay napansin ko ang huling chat sa akin ni Arriz, kahit kasi naka-mute siya ay nababasa ko pa rin ang chats niya kahit hindi ko sini-seen. Arriz Parker: Please come at our school and cheer me up on our tournament. I need your support, Scar :( Hindi na ako nag-abala pa na reply-an siya. Buo na rin naman ang desisyon ko na tigilan siya. Once na ayaw ko na sa lalaki ay hindi ko na ulit kakausapin pa. 'Wag lang sana ka-team ni Arriz si Rico para hindi ako makita ni Arriz mamaya. Mas okay pa kung mag-kalaban sila para malaman kung sino ang mas magaling maglaro sa dalawa. After taking a bath ay pumasok na ako sa walk in closet ko para maghanap nang maisusuot. Ayoko naman na pagtinginan ako ng mga tao kaya pinili ko na lang ang black overall jumpshort na sleeveless. Maputi ako kaya bagay sa kutis ko ang mga ganitong kulay. Sinimplehan ko na lang ang porma ko para hindi ako mag-stand out sa crowd mamaya dahil I am trying to avoid Arriz. Nag-suot na rin ako ng white flat shoes saka ako umupo sa harapan ng salamin para ayusin ang itsura ko. Liptint at kaunting blush on lang ang nilagay ko sa mukha ko saka ako nag-kilay. Wala na akong ibang make-up pa na inilalagay sa mukha ko dahil natural naman nang maganda ako so why bother to put make-up, right? Nag-suot na rin ako ng mga earrings ko. May mga piercings pa ako kaya halos lahat na ng tenga ko ay may suot na hikaw. Nang matapos ay nagpabango na ako saka kinuha ang maliit na white bag. Tinignan ko ang oras sa phone ko at saktong malapit na mag-alas tres ng hapon. Scarlett Buenavidez: I'm already done. Where are you? Rico Dalantt: Hey, I'm on my way to your house. See you later, Scarlett! Scarlett Buenavidez: See you and take care! Ilang minuto lamang ay narinig ko na ang busina ng sasakyan ni Rico sa labas ng gate namin. Nang makita niya ako na palabas na ng gate ay bumaba siya sa kotse niya at umikot papunta sa pinto ng passenger's seat. Hindi na nagulat si Mang Robert, ang guwardiya namin, nang makakita ng ibang lalaki na sumundo sa akin ngayon. Sanay na rin naman siya na iba-ibang lalaki ang nakikita niyang madalas na sumusundo sa akin sa bahay dahil minsan ay tinatamad talaga akong mag-drive ng kotse ko. Nang makalapit kay Rico ay pinag-buksan na niya ako ng pinto ng kotse niya. Naka-shades pa siya at simple lang ang porma niyang kulay plain white shirt at black shorts. Ang tangkad pa niya at ang bango, my typical man. "Nice to meet you in person, gorgeous." Napangiti pa ako nang sabihin niya 'yon saka ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan niya. Napaka-gentleman naman pala ng isang 'to. Bahagya pa siyang sumaludo kay Mang Robert bilang paalam saka pumunta sa driver's seat at pumasok. "Nice to meet you too, Rico," bati ko pabalik nang makapasok siya sa loob. Ngumiti lang muna siya saka pinaandar paalis ang sasakyan niya. "Did you already eat?" panimula niya para may mapag-usapan kami. "Yes, I ate my brunch earlier. How about you? Your condition? Lalaro ka mamaya, e," tanong ko rin pabalik. Well, ito ang unang beses na nagkita kami. Sanay naman ako na wala pa masyado ma-topic kapag nagkita sa personal at sa chat lang close. Medyo may nararamdaman pa kaming awkwardness sa isa't-isa. "Ayos lang rin, lalo na kapag kasama na kita ngayon. For sure naman na panalo kami mamaya, inspired dahil sa'yo e." Sabay naman kaming natawa dahil sa biro niya. He's not bad, ha. Ang galing rin niya bumanat at hindi corny. May mga ilang bagay na rin kaming napag-usapan and he's such a joker. Ilang minuto ang nakalipas at papasok na kami sa school nila. May event pa palang iba bukod sa tournament na magaganap mamaya. Ang daming tao, sa entrance pa lang ng school. Dumeretso kami sa basement kung nasaan ang parking lot. Nang makapag-park na siya ng ayos ay bumaba siya saka ako pinagbuksan ng pinto. Inayos ko ang suot ko saka kinuha ni Rico ang gamit niya at inalalayan ako papasok sa loob ng school nila. Malawak rin ang loob at may ibang babae at lalaki na napapatingin na sakin kapag nadadaanan namin. Ayoko masyado ng atensyon ng ibang tao, pero wala naman akong magagawa kung ganito ako kaganda. Kahit yata hindi ko gandahan ang porma ko ay maapapatingin pa rin sila. Dere-deretso lang ang lakad ko at nakasunod lang kay Rico na medyo nauuna ng lakad sa akin pero tinitignan niya ang mga lalaki na tumitingin sa akin. Ngumiti na lang ako saka bahagyang napailing dahil mukha siyang possesive tignan. Dumeretso kami sa malaking gymansium at may sampung computer doon na magkakaharap. Bali tig five sa magkabilang side. Mukhang doon magaganap ang tournament. May dalawang malaking screen din kung saan doon pwedeng manood ang mga viewers ng laro mamaya. Ito ang unang beses na makakanood ako ng ganitong klaseng laro. Puro basketball at volleyball lang rin naman ang napapanood ko dahil iyon madalas ang mga sports ng mga nakakalandian ko. Pinaupo ako ni Rico sa isang bench na sobrang lapit sa side nila. Mukhang dito banda uupo ang team nila. Napapaisip tuloy ako kung magka-team ba sila ni Arriz or magkalaban. Well, ano naman ang pakialam ko if makita ako ni Arriz dito with another guy, right? Hindi naman kami nasa iisang relationship and besides wala rin siyang pakialam sa buhay ko or kung sino man ang kakausapin o kikitain ko. "Mag-start na ang game kaya need ko na mag-ready, are you going to be fine here?" tanong sa akin ni Rico. Ngumiti naman ako saka siya tinanguan. "Of course. Go na and prepare. I'll wait you here." Nagpaalam na siya saka muna pumasok sa parang room for players. Nilabas ko na lang muna ang phone ko para mag-scroll sa social media while waiting for Rico and for the game to start. Dumadami na rin ang tao sa paligid. Hindi ko naman akalain na kahit pala ganitong game ay marami rin ang nanonood. So mukhang hindi naman ako mabo-bored mamaya sa laro nila. I should just enjoy later para naman hindi sayang ang punta ko rito. Tutal mukha rin namang mainit ang laban na magaganap mamaya. I opened my messenger and nangunguna na naman ang pangalan ni Arriz kasunod ang ilan pang lalaki na nakaka-chat ko pero mga naka-mute din sa akin. Si Rico lang ang hindi naka-mute since siya ang current na kalandian ko ngayon. Arriz Parker: Are you really going to ignore me? Baka masira ang laro ko mamaya kapag hindi ka man lang nagsabi sa akin ng good luck o kahit anong pang-pagana. I miss you already, Scarlett. Arriz Parker: Just tell me kung may nagawa ba akong mali. I can't focus on anything right now, baka matalo kami mamaya sa game dahil wala ako sa kondisyon. Napataas ng wala sa oras ang isang kilay ko nang mabasa ang sinabi niya. I accidentally clicked his chat kaya naman ay na-seen ko ang mga messages niya at sobrang dami na pala talaga. Paanong magiging kasalanan ko if matalo sila mamaya? Ako ba ang maglalaro? Tss, what a kid. Hindi ko akalain na ganito rin pala ang mindset niya. Ang mga na-ghost ko before ay hindi naman ganito nag-react. They just also acted cool as if nothing happened, as if they didn't knew me and the same goes to me. Pero itong si Arriz ay masyadong OA. "Hey, mag-start na kami." Napansin ko naman na naghahanda na ang mga players sa harap ng computers. Ang iba ay mga naka-upo na. Hinanap pa ng mga mata ko si Arriz pero hindi ko naman makita ang mga mukha ng mga kalaban nila Rico mula sa pwesto ko. Nilingon ko muli si Rico saka tumayo. "The players of the second tournament for this year, please come to your own monitor for us to start the game. Set up everything now," anunsyo bigla ng host. May mga kaniya-kaniya ring extension ang nasa gilid ng mga players para siguro saksakan ng mga computers nila. "Hey, good luck to your game Rico!" Lumapit ako kay Rico saka siya hinalikan sa pisngi niya na siya namang ikinagulat niya. Narinig ko pang naghiyawan ang ibang mga tao sa paligid na nakakita sa ginawa ko. Hindi naman ako nahihiya pero ang kaharap ko ay mukhang kinilig na ewan. "Damn, that was sweet!" "Sana all may supportive na girlfriend, pare!" "Respeto naman sa mga single dito, oh!" Mga sigawan 'yan galing sa mga nasisiguro ko na teammates ni Rico na inaasar na kami ngayon. Pero sobrang nakakagulat ang nangyari. "Oh my gosh!" sigaw ng isang babae sa gilid ko saka tumayo at may itinuro. Doon ay nakita ko si Arriz na nangingisay na ngayon ang katawan. Ang kanang kamay niya ay nabasa ng kape habang nakadikit sa extension na nasa gilid niya. Nanginig siya sa kinauupuan niya saka nagbula ang bibig at tirik ang mga mata. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa nasaksihan. Mabilis na kumilos ang mga players at nilapitan siya ngunit ni hindi nila ito mahawakan. "f**k, that was a hot coffee," sambit pa ni Rico sa tabi ko. Mukhang natabig ni Arriz ang kape sa gilid niya kaya nabuhos iyon sa extension dahilan kung bakit siya nakuryente dahil binalak niyang ilayo kaagad ang extension pero huli na ang lahat dahil nabuhos na ang kape. "Call an ambulance!" sigaw ng host. Aligaga ang mga tao ngayon sa paligid at hindi nila alam kung ano ang gagawin. Nagulat rin ako dahil sa nangyari. "What happened? Can you play the footage at the screen?" rinig ko na sambit ng host. Mukhang kinakausap niya ang nasa security room ngayon ng school. Napatingin kaming lahat sa malaking screen ng ilabas ang footage ng nangyari kay Arriz. Kitang-kita doon kung saan siya nakatingin. Nakatingin siya sa gawi ko... Nakita niya na hinalikan ko sa pisngi si Rico at kinuyom niya ang kamao niya saka niya nadali ang kape na nasa gilid niya at natapon iyon sa extension na ginalaw niya kanina para sana isaksak ang computer niya. Hindi ako makapaniwala. Ang iba ay napatingin pa sa akin, marahil napansin din na sa akin masama ang tingin ni Arriz bago siya nakuryente. Nilingon naman ako ni Rico. "Do you know him?" tanong nito na ikinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Dapat ko bang aminin na kilala ko si Arriz o hindi? Pero baka kapag nagsinungaling ako tapos makita nila sa phone ni Arriz na ako ang huling chinachat niya ay baka sabihin pang responsable rin ako sa nangyari sa kaniya dahil nag-cheat ako. Lalo na't naipakilala na ako ni Arriz sa mom niya last time. Damn it. "Y-yes. Dati ko siyang nakakausap and kinukulit pa rin niya ako until now kahit naka-ignored na ang mga messages niya sa account ko," sagot ko. Pwede ko rin naman ipakita na hindi ko na nirereply-an pa si Arriz. May mga dumating na ambulance kaya naman hindi na ako ulit inusisa pa ni Rico. Lumapit pa siya sa gitna ng gym kung nasaan si Arriz na inilagay na ngayon sa hospital bed at chinecheck ang pulso. Ngunit mas nakakagulat ang balita. "Hindi na siya aabot pa sa hospital because he's already dead," sambit ng isang nurse na lalaki. Napatakip ako sa bibig ko at nanlalaki ang mga mata. Nang dahil lang sa nakuryente siya ay ikinamatay na niya. What the f**k is happening? I've already witnessed two deaths ng mga nakalandian ko pa. Nakakatakot na ang mga biglaang nangyayari sa paligid ko at hindi ko na kayang ma-handle kaya hindi na ako nagpaalam kay Rico at mabilis na akong umalis sa scene na 'yon. Damn, I shouldn't have come there!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD