Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tumatawag sa akin. Sino kaya ang naglakas ng loob na istorbohin ang tulog ko. It’s just seven in the morning at mamaya pang hapon ang class ko, damn it.
Inis kong kinuha ang phone ko na nakalapag sa bed side table saka sinagot ang kung sino man ang tumatawag.
“Hello?!” pasigaw na sagot ko.
[“Good morning, is this Miss Scarlett Buenavidez?”] Boses ng may katandaan na lalaki ang bumungad sa akin na siya namang ipinagtaka ko. Kahit ayoko pang bumangon ay umayos ako ng upo sa kama ko.
“Yes, I am. Why?”
[“This is Officer Higaldo calling you from the police station. Are you free later for questioning about Mr. Andre Calara.”]
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko nang marinig ang pangalan ni Andre. Bakit naman ako tatawagan ng police officer na ‘to? Wala naman akong kasalanan sa pagkamatay ni Andre!
“I’m sorry but I can’t come because of my classes later. What happened po ba?” tanong ko. Nakapag-isip na ako ng pwede kong ipalusot sa nangyaring aksidente kahapon.
[“Gano’n po ba, Miss. Pero nabalitaan niyo na po ba ang nangyari kay Mr. Andre kahapon? Naaksidente po siya at namatay.”]
“Oh my gosh! Is that true?! What happened?” Nagkunwari ako na nagulat para hindi na siya mag-suspentya sa akin. I don’t want to get involve to that mess!
[“He was a victim of a hit-and-run accident. Kasama ka po niya kahapon, hindi ba? Base sa last phone call niya ay number niyo po ang naka-lagay.”]
“No, Sir. Hindi po kami nagkita ni Andre kahapon. I chatted him yesterday that I couldn’t make it kasi hindi ako nakaalis kaagad sa club. You can check our chat po.”
[“Sige, Ma’am. Ipapatingin ko na lang po sa IT namin mamaya para mabuksan ang account ni Mr. Andre. Thank you for your cooperation.”]
Pinatay ko na agad ang tawag saka ako nagtalukbong ng kumot. Kahapon nang makarating ako sa kotse ko na naka-park sa club ay chinat ko si Andre na hindi na ako makakapunta dahil sa biglaang lakad ko. Syempre ay hindi na niya nabasa ‘yon dahil nga tapos na siyang maaksidente that time.
Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na iyon ang unang beses na maka-saksi ako ng ganoong pangyayari. I don’t what to get involve to those kind of matters kaya I also asked my dad to help me. Humingi ako sa kaniya ng pabor para i-delete ang footage na nagkasama kami ni Andre sa Italian Restaurant.
I just continue to sleep at hindi na lang inisip pa si Andre. I don’t have to worry about anything else now. Wala naman akong kasalanan sa nangyari kay Andre dahil hindi naman ako ang bumangga sa kaniya so I don’t need to feel guilty. Kung bakit ba naman kasi ay nagmamadali kaagad siya na umalis ng restaurant. Pakiramdam ba niya ay siya lang ang pwedeng lalaki na mag-chat sa akin? He’s so OA. Kaya naman ganoon ang nangyari sa kaniya dahil sa kaartehan niya. Okay na sana siyang kasama kaso biglang ganoon pala ang ugali niya. Kung sabagay, bata pa talaga siya mag-isip at hindi for matured relationship.
Habang naglalakad sa campus ay chinichika na agad ako ni Ashley dahil nanalo kami kahapon sa contest. Ang award lang maman ay isang trophy kaya bakit pa ako kakailanganin doon?
“Hinahanap ka ni Byron kahapon, girl. Noong nanalo ang section natin ay tinanong niya sa akin kung nasaan ka.” Tinaasan ko ng kilay si Ashley. Bakit naman ako hinahanap ng kumag na ‘yon? Feeling close talaga, mukha namang bading kahit gwapo.
“Anong isinagot mo?” walang gana na tanong ko. Nagkibit-balikat naman siya, “Well, sabi ko may sakit ka kaya maaga kang umuwi. Hindi na siya nagsalita pa nang sabihin ko ‘yon.”
Nang makarating sa classroom ay umupo na kaming dalawa sa pwesto namin. May kaniya-kaniyang chika sa bawat grupo ng mga kaklase ko pero isang chismis ang pumukaw ng atensyon ko.
“Hey, do you guys know someone named Andre Calara?” tanong ng isa sa kaklase kong babae. Hindi ko matandaan ang pangalan niya dahil wala naman akong pakialam sa kaniya. Tinatanong niya ngayon ang mga kaibigan niya.
“Yes, he’s one of the main dancer of Rockwell kaya paanong hindi ko siya makikilala. Ang gwapo niya kaya!” sagot ng isang kaibigan niya. Sikat pala si Andre sa lugar namin? Kung sabagay, sikat naman ang grupo niya na tinatawag na Rockwell.
“Ang hot pa niya sumayaw. I wanna meet him in person kapag nagkaroon ng schedule dito ang Rockwell. But what about him?”
“Girl, you can’t meet him in person na because he’s already dead.” Sabay-sabay silang nagsigawan nang sabihin ‘yon ng kaibigan nila.
“What?! Are you serious?! He’s too young to die!”
“Ano ang ikinamatay niya? How? When? And where?” sunod-sunod na tanong pa ng isa. Ang iingay nila kaya kahit ayoko na silang pakinggan pa ay naririnig ko pa rin mula sa pwesto ko ang pinag-uusapan nila.
“He died in front of an Italian Restaurant near here. Hindi ko nga alam kung bakit siya napadpad sa lugar natin but there was a humor na may ka-meet up siyang babae yesterday bago siya naaksidente. He was hit-and-run. Nakakaawa nga dahil hindi na siya nakaabot pa sa hospital nang buhay.”
Paano naman nila nasabi na may ka-meet up si Andre dito? Damn, nakaka-paranoid dahil baka mamaya may nakakita pala sa amin na magkasama kami kahapon.
“Kawawa naman. Sino kaya ang girl na ‘yon?”
“And guess what? May isa pa akong nalaman. I was stalking Andre’s f*******: account and I saw something.” Pahina ng pahina ang boses noong kaklase ko na nagke-kwento pero nanatili lamang ang tingin ko sa phone ko at nagkukunwari na may kinakalikot.
“What? Pabitin ka naman e, spill the tea.” Nanatiling alerto ang tainga ko sa pakikinig sa usapan nila. I am also curious kung ano ba ang nakita ng isang ‘to sa f*******: account ni Andre.
“Andre and Scarlett are friends on Facebook.” Kahit pabulong na niya sinabi ay narinig ko pa rin ‘yon. Napansin pa niya ‘yon? “I was so curious kung sino ba ang possible na kakilala ni Andre dito sa lugar natin but si Scarlett lang ang nakita ko,” dagdag pa niya.
“What if si Scarlett pala ang ka-meet up niya kahapon? ‘Di ba mahilig pa man din ‘yan makipag-meet up sa mga lalaki.” Nagbubulungan pa rin sila pero bakit naririnig ko pa rin? Sinasadya ba nila na iparinig sa akin? Tss, hinayaan ko na lang sila at hindi ako nag-react. Baka sabihin pa na guilty ako at may kinalaman kung bakit namatay si Andre.
“I feel bad for him. He died so young. Marami pa sana siyang makakamit in the future. Bakit ba kasi dumayo pa siya dito para lang makipag-date?”
Mabuti na lang at dumating na ang prof namin kaya natigil na sila sa pagchi-chismisan nila. Akala ko tapos na kanina sa bahay ang tungkol kay Andre pero hanggang dito pala sa campus ay maririnig ko ang pangalan niya. Nag-focus na lamang ako sa lesson ngayong araw para hindi ko na maisip ang nangyari kay Andre.
Days have passed and nalilimutan ko na paunti-unti ang nakita kong naganap kay Andre. I am now chatting with another guy named Arriz. Taga-malapit lang sa amin at halos thirty minutes na byahe lang from his campus to mine. Arriz is a online gamer. Nag-chat siya sa akin noong isang araw and after stalking his account, I find him attractive kaya in-entertain ko na since boring naman kausap ang ibang lalaki.
Arriz is also taking up Tourism course, same as mine. Magka-batch lang rin kami pero hindi kami same ng tine-take na ibang subjects for this semester. Ang dami kong natututunan sa kaniya for the past few days since magaling siyang mag-english and kaya niyang tumapos ng isang thesis sa loob ng three days lang. He was also helping me to some of our home activities sometimes. Maganda yata na pumatol ako sa same course ko lang tapos matalino para nagkakaintindihan kami at natutulungan niya ako.
Arriz Parker: Can we see each other next week? I’m not going to be busy and I will have time to meet you up.
Scarlett Buenavidez: Sure! I’m always free naman.
Arriz Parker: Sunduin na lang kita sa campus niyo after classes mo then kain tayo sa mall ng dinner.
Pumayag naman ako at nag-decide na magkita kami this Friday. Dinner date ang mangyayari dahil gabi din ang tapos ng class ko. Ilang araw pa ang nakalipas at pinakilala na ako ni Arriz sa Mommy niya through video call. Nakakatuwa dahil ang bait ng Mom niya. Wala naman akong balak i-legal pa siya sa parents ko dahil hindi naman kami at hindi ko siya manliligaw. Hindi ko rin alam kung papatulan ko pa siya so malalaman in person.
Friday came and mabilis lang rin natapos ang class namin. Mabuti na lang at hindi na naisipan ni sir na mag-overtime. I am also feeling hungry.
Arriz Parker: I am already outside of your campus wearing a gray sweatshirt in front of a black car. See you.
Scarlett Buenavidez: Okay, palabas na ako. See you!
“Ngiting-ngiti ang ate mo Scar. May lakad ka?” usisa sa akin ni Ashley. “May sundo ako sa labas, sis. Mainggit ka na lang, please,” pang-aasar ko sa kaniya. Inirapan na lang niya ako saka ako nagpaalam sa kaniya na mauuna na akong umalis.
Hindi naman mahirap hanapin si Arriz at nakita ko kaagad siya na nakasandal sa gilid ng kotse niya habang nakatingin sa phone. Medyo matangkad ako sa kaniya ng isang inch, ugh. I hate short guys. Gusto ko talaga ay ‘yung mas matangkad sa akin.
“Hey,” bati ko sa kaniya. Mabilis niya akong nilingon saka nginitian. Thank goodness, wala akong dala ngayong sasakyan dahil alam ko naman na susunduin niya ako.
“You’re stunning in person, Scarlett,” sinimulan na niya kaagad ang banat niya sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto saka ako pumasok doon at hinintay siya na makasakay sa driver’s seat. “Bolero ka rin pala hanggang personal,” biro ko kaya natawa siya.
“I hope you will enjoy this night with me. Where do you want to eat?”
“You’re choice.”
Mukhang maayos rin ang isang ‘to at simple lang pumorma pero malakas ang dating. Mas matangkad nga ako ng kaunti pero ayos naman dahil hindi masyadong halata. Ang ganda rin ng accent niya at sobrang tangos ng ilong saka ang puti. Pero syempre, aalamin ko muna ang ugali niya. Hindi naman pwede na laging sa physical appearance lang ang tinigignan ko dahil baka ako pa ang makawawa sa huli.
He drove and went to Tagaytay. Marami ngang masarap na kainan rito lalo na at gabi na tapos malamig ang panahon. Ang sarap talaga mag-roadtrip kapag ganitong oras.
Kapag maayos itong si Arriz ay baka seryosohin ko na siya. We just hang out together at Tagaytay and enjoyed the view. Kumain kami sa isang sikat na Bulalo restaurant in Tagaytay. I had fun with him kahit na minsan ay malalim na ang mga words na sinasabi niya dahil pati joke niya ay may explanation. But I like how he is.
Pero hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari.