Chapter 4

2255 Words
The f**k is wrong with this man? Hindi ko na siya pinansin pa at dere-deretso na akong lumabas ng gym. Naramdaman ko naman na naka-sunod sa akin si Ashley. “Scar! Ang haba talaga ng hair mo, my gosh!” Maarteng sambit niya habang naka-sunod sa akin kahit hindi naman niya alam kung saan ako pupunta. Hindi ko siya pinansin nang hawakan niya ang braso ko at pigilan ako sa paglalakad. Nilingon ko siya saka tinaasan ng kilay, “What?” tanong ko. “Saan ang punta mo, aber? Hindi pa tapos ang contest tapos aalis ka na kaagad?” “Just tell them na masama ang pakiramdam ko kaya umalis ako ng maaga.” Tinaasan ako ng kilay ni Ashley, “E paano kapag nanalo tayo? Wala ka sa awarding if ever!” Napairap naman ako, ang dami talagang arte nitong babaita na ‘to. “E ‘di congrats kapag nanalo. Wala naman akong pakialam sa awards. Basta, I have a date! Bored na rin ako sa loob kaya I’m going now.” Hindi na ako nagpapigil pa at dere-deretsong pumunta sa parking lot at pumasok sa kotse ko. Masyado pang maaga, what should I do now? Habang nasa loob ng kotse ay nag-scroll ako sa messenger ko. Ang daming lalaki na naka-mute sa akin dahil ayoko naman na kausapin silang lahat. Namimili lang naman ako kung sino sa kanila ang trip kong kausapin kapag bored ako. Nagtingin ako sa mga myday at nadaanan ang video ni Andre na sumasayaw, isa sa mga kalandian ko ngayon na nakatira sa Taguig. Ang galing talaga nito sumayaw at ang lakas ng appeal niya. He looked so hot when dancing. Ka-video call ko nga pala siya kagabi tapos pinakilala niya agad ako sa Mom niya through video call. Hindi na naman bago sa akin ang mga ganoong bagay dahil sanay na ako na kahit nanliligaw or nilalandi pa lang nila ako ay pinapakilala agad ako sa parents nila. Ang dami ko na ngang nakilalang parents kaya hindi ko na matandaan lahat. I chatted Andre to ease my boredom. He’s already a college student taking up IT course. I wanted to meet him na since nagkakalandian naman na kami for two weeks online or through video calls. Kapag okay naman siya in person, then magse-seryoso ako sa kaniya bilang girlfriend niya. Though, wala naman siyang alam ngayon na hindi lang siya ang nakaka-usap ko sa social media. Sa ganda kong ‘to, I don’t want to stick to one. Tutal, dapat naman talaga na maraming manliligaw ang babae dahil pipili kami ng karapat-dapat na maging boyfriend namin. Scarlett Buenavidez: Hey, where are you right now? Mabilis lang ay nag-reply na kaagad siya sa akin na para bang inaabangan niya talaga ang chat ko sa kaniya. Oh, ang dami pala niyang chat sa akin pero ngayon ko lang na-seen dahil naka-mute din siya sa akin. Andre Calara: I’m at home, why? Wanna go on a date? Scarlett Buenavidez: Are you free today? Can you come here? Andre Calara: Sure! Wala rin naman akong gagawin ngayong araw. I’ll be there for about two hours or less kapag hindi traffic. Napangisi ako sa ni-reply niya. Ang bilis kausap, a. Ganito ang mga gusto ko, ‘yung tipong napayag agad at hindi na pabebe. Masaya din naman kausap itong si Andre dahil kada gabi kami nagvi-video call. I think may two weeks na rin since we started talking to each other. Scarlett Buenavidez: I will share to you my location and I will meet you to the location that I will go. Ingat sa byahe! Andre Calara: Okay, copy. I will get ready now. I’ll call you later. After ng chat niya ay nag-drive na ako paalis. Since ako naman ang iisip kung saan kami magmi-meet up ay napili ko na lang ang isang Italian restaurant but since two hours pa bago siya makarating ay dumeretso ako sa malapit na club sa tabi lamang ng Italian restaurant. Fifteen minutes lang ang byahe from our campus to the club. Scarlett Buenavidez: Call me kapag nasa Italian restaurant ka na. Magpapalipas lang ako ng oras dito sa club malapit sa restaurant. Andre Calara: I’m on my way. See you, Scar! Hindi ko na siya ni-replyan pa at pumasok na ako sa loob ng club. Madalas rin ako dito but since masyado pang maaga ay wala pa masyadong tao na nagpa-party dito. Mamayang gabi pa magiging wild ang club na ‘to. Pumwesto ako sa medyo dulong part para walang manggulo sa akin na lalaki dahil wala ako sa wisyo ngayong makipag-landian sa iba. I just ordered a red wine para chill lang habang nakikinig rin ako sa chill music ng club. I just want to have some peace of mind right now. Nakaka-relax kapag ganito ang place, e. Sana naman maaayos iyong si Andre para hindi sayang ang oras ko sa kaniya. Mas matanda ako sa kaniya ng isang taon but it doesn’t matter though, mas hilig ko pa rin talaga ang mga matatanda kaysa sa akin. But wala namang masama kung mag-try ako ng mas bata sa akin. Besides, college na rin naman siya like me. Magka-batch lang kami pero ‘yung age niya ay hindi pang college. Advance siguro siya nag-aral during pre-elementary days or what. I just spent my two hours there and waiting for Andre to call me. When at last he already called, binayaran ko na ang bill ko sa club saka ako lumabas dahil nasa Italian restaurant na raw si Andre. Mabuti na lang at nakapag-palit na rin ako ng damit sa club. May mga extra akong damit na nasa kotse ko para sa mga biglaang lakad na katulad nito. Nakapag-retouch na din ako sa mukha ko. I don’t need a make-up dahil natural na naman ang maganda kong mukha. Ang sabi niya ay nasa loob na siya at table number 12. Pagpasok ko sa Italian restaurant ay nilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko ang isang moreno na lalaki na kumakaway na sa akin. I smiled and saka ako lumapit sa kaniya. In fairness, ang gwapo niya sa personal pero payat pero sakto lang ang katawan niya. Makapal ang kilay niya at matangos ang ilong tapos may kakapalan ang labi na medyo pinkish. Tumayo siya saka ako inalalayan na maka-upo sa harapan niya. “Thank you,” mahinhin na sambit ko. Nang maka-upo siya sa harapan ko ay itinaas niya ang kanang kamay niya para um-order ng pagkain. Binigyan kami ng menu ng waiter saka ako nagtingin ng pwedeng makain. I’m already hungry. “What’s yours?” tanong sa akin ni Andre. Tinuro ko naman ang favorite ko. “I want to order Pollo Pan Roma and Spaghetti Puttanesca.” Pollo Pan Roma is a pan fried chicken breast with bacon, snow peas, red and green capsicum, black pepper, onion, olives, wine and parmesan cheese. While spaghetti puttanesca is spaghetti in napoletana and cream sauce with ham, mushrooms and chili. “I will have Mona Lisa Farfalle and Fillet Mignon,” sagot naman ni Andre saka ibinigay sa waiter ang menu. Mona Lisa Farfalle is a Farfalle pasta, prawns, sun dried tomatoes, napoletana sauce, cream, parsley, chili and parmesan cheese. Fillet Mignon is a bacon wrapped with salt, pepper, rosemary, parsley and olive oil, topped with lemon and lime juice. Ang mahal sa Italian restaurant dahil ang isang dish ay nagkakahalaga ng one thousand pesos and up kapag converted dahil dollars price ang nakalagay sa menu. Pero ayos lang dahil mapera naman itong si Andre. “So, hi! Nice to meet you,” bati ko kay Andre. Ngumiti naman siya at mukhang nahihiya pa sa akin. “Mas maganda ka talaga sa personal,” puri niya. Sanay naman na ako na gano’n lagi ang sinasabi sa akin tuwing unang beses na makikita ako ng mga nakakalandian ko sa personal. I smiled sweetly to him. “You looked handsome in person too.” Syempre, hindi ako magpapahuli. Kailangan na bumabanat din ako dahil hindi rin naman ako nahihiya. Tunay rin naman na ang gwapo niya sa personal. Mas matangkad din siya sa akin. 5’6 ang height ko while I think 5’8 siya. “I’m sorry to keep you waiting for two hours. Mabuti na nga lang rin at wala pa masyadong traffic nang ganitong oras.” Mukhang gumagawa na siya ng topic para may mapag-usapan kami. Sabagay, tama naman ang ginagawa niya para hindi boring. “It’s fine. Biglaan din naman na nagyaya ako ngayon. Mabuti na nga lang at free ka kung hindi ay baka bored na bored na ako sa buhay ko.” Natawa naman siya sa isinagot ko. Ang ganda rin ng ngipin niya, halata mo talaga na anak mayaman. Sa pagkakatanda ko rin ay tatlo silang magkakapatid at siya ang panganay. Nag-usap lang kami ng mga bagay about sa aming dalawa hanggang sa dumating na ang orders namin. We started eating pero nag-uusap pa rin kahit papaano. Mukhang madaldal din ang isang ‘to and he looks so cute. “Where’s your car?” tanong niya sa akin. “Nakaparada pa rin sa parking lot ng club. How about yours?” tanong ko pabalik. Tinuro naman niya ang isang kotse na nasa gilid namin sa labas. Glass wall naman ang Italian restaurant na ‘to kaya kita ang nasa labas. Malapit rin kami sa corner. Ang ganda ng sasakyan niyang BMW 3 series na kulay blue. Tabing kalsada rin ang restaurant na ito. “Saan tayo mamaya? I wanna go to Tagaytay. Can we go later?” aya ko uli sa kaniya. “Sure thing, but how about your car?” “Pwede naman na balikan na lang natin mamaya after natin mag-Tagaytay para kotse mo na lang ang gagamitin natin. Hindi naman maganda kung magkahiwalay pa tayo ng sasakyan, right?” biro ko. “Yeah, mas maganda kung sa kotse ko na lang. Maganda rin ang weather ngayon sa Tagaytay.” Hindi pa naman ako nabo-bored na kausap siya. He has so many topics and joker rin kaya napapatawa niya ako. I think magkakasundo kaming dalawa. Mabilis lamang at natapos na rin kaming kumain. Kinuha na niya ang bill sa waiter saka binayaran ang kinain namin. “Hey, punta lang ako sa comfort room,” paalam ko. Kinuha ko ang pouch ko nang tumango siya saka ako tumayo at pumunta sa comfort room. Nang nakarating doon ay kinapa ko sa pouch ko ang phone ko pero naiwan ko pala sa table. Naka-bukas pa man din ‘yon dahil hindi ko na-lock kaya naman mabilis akong lumabas ng comfort room at bumalik sa table namin but I was too late. Hawak na ni Andre ang phone ko at may tinitignan. Mabilis ko iyong kinuha sa kamay niya saka tinignan ang nasa screen. Gosh, nasa messenger ang screen at kitang-kita ang mga chats ng mga kalandian ko bukod kay Andre. Nakita rin niya na may tumawag pala sa akin kaya siguro kinuha niya ang phone ko. Babi pa man din ang nickname nitong tumawag! “Hey, I can explain—“ He cut me off bago ko pa masabi na magpapaliwanag ako. Tumayo siya saka ako hinarap, “So madami ka pala talagang nakaka-chat? And naka-mute pa ako sa’yo ha? What do you think I am, a toy? Na kapag bored ka ay pwede mong mapaglaruan? Duda na rin talaga ako sa mga katulad mo na maganda nga pero hindi naman nakukuntento sa isa.” Mabuti na lang at wala masyadong tao sa paligid namin at hindi rin masyadong rinig ang sinabi niya ng ibang tao kaya hindi ako napapahiya. Mabilis siyang lumabas ng restaurant kaya sumunod ako. “Andre, let me explain myself first,” sambit ko. Since nasa tabi ng highway ang Italian Restaurant, maraming mga sasakyan ang dumadaan. Padabog siyang lumabas ng restaurant at sa hindi inaasahan ay bigla na lang siyang tumilapon sa harapan ko. Isang malakas na tunog ang gumulantang sa akin pati na rin sa mga tao sa paligid. Paliko na sana si Andre para makapunta sa pwesto ng kotse niya nang banggain siya ng isang van at dahil sa sobrang lakas ng impact ay tumalsik si Andre. “Oh my gosh!” Napatakip ako sa bibig ko nang makakita ng sobrang daming dugo na nagmula sa ulo ni Andre na nakahiga na ngayon sa sahig. Hindi man lang bumaba o huminto ang driver ng van na nakabangga sa kaniya at tuluyang umalis. Nagsigawan ang mga tao sa paligid ko. “God, what should we do?!” “What a poor man!” “Na hit and run siya! Somebody call an ambulance now!” Ni hindi ako makalapit sa pwesto ni Andre ngayon. Nanginginig ang mga kamay ko hindi ko alam ang gagawin. Pinalibutan na ngayon si Andre at medyo may kalayuan ang pwesto niya sa akin dahil tumalsik siya. Nanghihina ang mga tuhod ko at wala namang nakatingin sa akin nang ilibot ko ang paningin ko kaya inayos ko ang tayo ko saka normal na naglakad papunta sa gawi ng club para mapuntahan ang sasakyan ko. I’m sorry Andre, but I don’t want to get involve to your accident.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD